#LMAWayBackIntoLove
Tony's POV
Di ko namalayan na nakatulog pala ako sa sofa. Feeling ko tuloy mababali itong leeg ko sa sobrang nangawit at teka,
Napamulat ako ng mata ng mapansing may mabigat nabagay ang nakakandung sa akin.Napatingin ako dito at nakita kong himbing na himbing sa pagtulog si Andria.
Nakita ko ding nakadrag malapit sa amin yung lalagyan ng dextrose niya.
May nakapulupot na bandage sa may ulo niya at yung mahabang buhok niya ay ginupitan na. Pinaikli siguro ito ng nagundergo siya sa operation.
'Ba't kaya toh lumipat dito eh ang sarap-sarap na nga ng pwesto niya doon. kaya naman pala mas nangangawit ako dito' dahan-dahan akong gumalaw para di siya magising ngunit sablay ata kasi nagising siya.
"Timmy" Kinusot-kusot nito ang kanyang mga mata habang humihikab saka ngumiting nakatingin sa akin.
"Good Morning Timmy"
"uhmm Good Morning" nakakailang sobra! Lalo na't aware ako sa lahat at naaalala ko ang lahat.
Ang Hirap, ang hirap magpanggap!
At yung mas masakit pa dito ay nagpapanggap ako bilang kakambal ko at
hindi yung ako.
"Sorry nagising kita" wika ko sa kanya at saka nagstretching sa may leeg ko.
"Sorry kasi lumipat ako dito, nangangawit ka tuloy" sabay nguso nito.
"Ba't ka nga ba lumipat?" tumayo ako para maistretch ko naman ang mga paa at ang likuran ko.
"Hmmm, kasi baka umalis ka na naman ng hindi nagpapaalam" sabay tayo din nito at nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. "Pakiramdam ko kasi antagal-tagal na nating hindi nagkikita at sobra kitang namimiss"
"u-uhmm... matagal naman talaga. Isang buwan ka din kaya atang natutulog" sabay yakap ko na din sa kanya.
Hindi ko kagustuhan toh, sadyang gumalaw na lamang talaga itong mga braso ko na tila ba may sarili silang pagiisip.
"Timmy, gutom na ako" sabay nguso niya ulit sa akin.
"sige, upo ka na lang muna at tatawagin ko yung nurse" hinila ko yung lalagyan ng dextrose pa balik sa pwesto nito habang napaupo naman si Andria sa kama niya.
"Hospital food again? nakakasawa na" napakachildish naman na Andria ang nakikita ko ngayon. Ganito ba talaga yung attitude niya 7 years ago? [A/n: konting changes lang 7 years po pala yan.]
"Ano bang gusto mong kainin?" kailangan ko siyang sakyan sa lahat ng trip niya. Baka pagmay nagawa akong kadudaduda mabaliw pa ako kakaexplain at kakahanap ng palusot sa kanya.
"Yung usual na kinakain natin" sagot niya.
'Patay! Ano ba yung usual na kinakain nila ni Timmy?'
"Uhmmm, ikaw ano bang gusto mo?" kinakabahan kong tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved
