#LMAHerMemory
Dahan-dahan na inimulat ni Jay ang kanyang mga mata ng magkaroon na uli ito ng malay. Napalinga-linga ito at napansing wala siya sa kanyang bahay.
'Oo nga pala, na--na himatay ako kanina, wag mo sabihing nas---' napatingin ito kay Tony na kasalukuyang nakatulala sa may sofa.
"Tony" mahinang bulalas nito at marahan na napaupo sa may kama.
"kailan mo pa alam?" wala sa sarili na tanong nito sa kanya na siyang ikinakaba niya.
Alam nitong alam na ni Tony yung tungkol sa pagdadalang tao niya at wala nang saysay pa kung magsisinungalin pa ito. Huminga muna ito ng malalim bago niya sagutin ang tanong niya,
"kamakailan ko lang din nalaman" napayuko ito at di alam anong gagawin. Sobrang guilty siya kasi alam niyang nagkasala ito sa kanya.
"Kanino?" napatingin naman si Tony sa kanya at yung mga titig nito'y halata ang labis na pagkadismaya.
"..."
Hindi ito agad nakasagot sapagkat nagdadalawang isip pa ito kung ito na ba talaga ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang lahat.
"... pinaglalaruan mo lang ba ako Jay?" tumayo ito mula sa kanyang kinauupuan at dahan-dahan na lumapit sa kama niya.
"No, hindi kita pinaglaruan at never kong nagawa iyon sayo. Totoo lahat ang ipinakita ko sayo..." napaiwas ito ng tingin at pinipigilan ang luhang unti-unti ng namumuo sa mga mata niya.
Nakapamulsa lang si Tony habang pinakikinggan siya.
Pinapakinggan nga ba? Lutang na lutang kasi yung isipan niya.
Blanko itong nakatingin sa kanya,
"Nung umuwi ako sa Malaysia, nagkita kami uli ng ex boyfriend ko. Siya yung dahilan kung bakit ako napadpad sa states at kung bakit ako nagpakalayo-layo sa amin. Kung hindi lang talaga sa request ni Dad, hindi nama talaga ako uuwi. Nagpaparty si Dad ng umuwi ako at isa sa mga naimbitahan niya ay yung ex ko. Wala naman talaga yun sa plano but since lahat ng kakilala ko ay kakilala niya na din, hindi ko maiwasang makihalubilo sa kanya..." sinimulan ni Jay ang pageexplain niya.
"... that night, nalasing ako and God knows what happened next. Wala na kasi akong matandaan, nagising na lamang ak---"
"Stop!" naninikip na ang damdamin ni Tony dahil sa mga naririnig nito mula kay Jay. Di niya alam kung kakayanin pa ba niya ang mga sumusunod na sasabihin nito. Tumalikod ito sa kanya at humakbang pabalik sa may sofa.
Napabuntong hininga ito sabay sandal niya sa kanyang ulo sa may wall ng mapaupo na uli ito sa sofa.
"Tony. . . "
"Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko para sayo ngayon... Halo-halo na kasi" cold na wika niya.
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved
