#LMAOperation:Ligaw
Tony's POV
'Kahit hindi kita naaalala . . . dito sa puso ko nararamdaman kong i-special ka para sa akin. Wala na akong pakialam sa mga bagay na nangyari sa past, ang mahalaga sa akin ay yung ngayon. Siguro sinadya ito ng langit na mawala yung bahagi ng memorya ko kung nasaan ka, kasi gusto nitong gumawa ulit tayo ng panibagong masasayang alaala.'
Napangiti ako habang inaalala ang araw na iyon. Napatingin ako sa may tabi ng upuan ko at nakita ko ang taong pinakamamahal ko.
Himbing na himbing siya sa pagtulog habang nasa biyahe kami papuntang probinsya. Hindi ko nga alam kung anong nakain niya at dadalhin niya ako doon.
'May gusto akong ipakilala sayo' pag-alala kong sabi niya sa akin bago kami nagsimula sa biyahe.
Hindi ako yung nagmamaneho kasi malayo-layo daw yung biyahe, baka daw mapagod ako.
See ang sweet niya diba. Sobrang sarap sa feeling na maramdaman iyon ulit.
Sumandal ako sa upuan at inilapit ng konti ang mukha ko para makita kong mabuti ang kanyang natutulog na mukha.
Kahit hindi pa niya ako officially na sinasagot, pakiramdam ko pa din na kami na.
Kahit kasi nagaasaran lang kami, di pa din nito maiwasang maging sweet sa akin.
'The same old Andria that I used to know'
Napatingin ako sa lips niya at napangiti, 'nakawan ko kaya ng halik' lalapit pa sana ako ng bigla siyang nagsalita,
"Subukan mo at tatadtarin talaga kita" sabay dilat nito sa mata. Napaatras naman bigla ako,
'grabe amazona pa din talaga hanggang ngayon.'
Napaayos naman ako ng upo at medjo lumayo sa kanya, "kung siya nga makanakaw ng halik, wagas" bulong ko. Totoo naman kasi, ilang nakaw na halik na din kaya ang nakuha niya.
Ipakulong ko na kaya toh sa puso ko? *BOOOM*
~
After 4 hours ay nakarating na din kami.
Pareho kaming napastretching ng makalabas na kami sa sasakyan.
'Grabe sobrang nakakapagod ang biyahe.'
"sana pala nagaeroplano na lang tayo papunta dito o di kaya nag chopper" sabi ko sa kanya.
"Andami mong reklamo. For once, magtipid ka naman" tingnan mo toh PMS mode na naman. Kinuha ko yung mga gamit namin at ako na ang nagbibit nun papunta sa loob ng bahay na titirhan namin.
"Magandang hapon po Lola" masayang bati ni Andria doon sa matandang sumalubong sa amin sa may gate.
"Ang paborito kong apo, andito ka na pala" sabay yakap niya naman dito.
'Woahh! Di ko ineexpect na dadalhin niya ako dito. Ngayon lang ako dinala ni Andria dito at sa pagkakaalam ko, ito yung matandang sinasabi ni Andre sa akin'
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved
