Tahimik lang akong nakikinig kay Rashid, kanina pa kami nag-aantay sa tawag ng mga dumukot kay Zandro. Lumipas ang ilang oras, wala pa rin kaming natatanggap. At hindi ko alam kung ransom ba ang kailangan nila o iba pa. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, at hindi ko mawari kung ano ba ang uunahin ko.
" Jem, calm down, mahahanap din natin si bossing." Pang-aalong saad ni Wes sa akin.
Bumuntong-hininga ako, " Saan natin sya hahanapin? Hindi natin alam kung saan tayo magsisimula?"
" Kaya'ng-kaya ni bossing ang sarili niya, kilala ko iyon, Jem. Kaya tiwala ka lang sa kaniya." Brennan added.
Napahilamos ako sa aking mukha, " Kahit gaano katapang at katibay ng tao, may kahinaan din sila. Iyon ang kinatatakutan ko, Zandro is human too, any minute or so he can be weak, and I do not want it to happen." Kinakabahan kong turan sa kanila.
Wala ni isang may sumagot sa akin, napalingon ako sa pagbukas ng pintuan at pumasok si Canna. Hindi ko alam kung ano'ng kailangan niya pa sa akin, " Ano'ng ginagawa mo rito? Kung sisingilin mo ako sa nangyari sa kapatid mo Canna, pwede ba'ng sa susunod na mga araw na lang?" Pakikiusap kong saad sa kaniya.
Walang emosyon itong tumingin sa akin, bumuntong-hininga at kapagkuwan ay may ibinigay sa aking telepono, " Ano 'to?"
" That's the video where Commander got taken." She answered.
Nang marinig ko iyon ay agad kong hinahanap ang video at pinanuod ito. A tall and masculine man carrying him on his broad shoulder. The video is dimmed, and I just saw their bare backs. Pinapanuod ko ito habang nanginginig ang mga kamay ko, ramdam ko ang mabibigat na pag-hinga ng mga kasama ko habang nanunuod din sila. Nang matapos ay tahimik kaming lahat, agad kong nilingon si Canna na ngayon ay nakamasid lang sa amin.
" Kanino mo nakuha ang video na 'to?"
Nakatingin lang ito sa akin, at kapagkuwan ay lumingon sa ibang direksyon, " hindi ko tinatalikuran ang pagiging sundalo ko. Ang trabahong ibinigay sa akin," napasinghap ako sa mga sinabi niya, ngumisi ito, " tama ka! Tama iyang iniisip mo, iyang karibal mo ang nagpadukot kay kumander. Hindi ako nag-walk out dahil lang sa kahihiyan at kamalian ko, umalis ako dahil gusto ko nang kaliwanagan. While I was finding out the truth, I accidentally bumped one of her men, sinundan ko, at tama ako nang hinala na may ginawang hindi maganda. Hindi ko alam na ang nobyo mo pala ang dinukot nila." Pagpapaliwanag nito.
Tumango ako sa kaniya at ngumiti, " alam kong wala ako sa katayuan para humingi ng tawad sayo, dahil alam kong mali ako sa una pa lang, pero gusto kong humingi ng tawad kahit alam kong malabo ang mapatawad mo ako, hindi ko man maibabalik ang buhay ng kapatid mo pero pinapangako kong bibigyan ko nang hustisya ang pagkamatay niya. I'm sorry."
Ngumiti ito sa akin, " salamat."
Hindi na ako nagsalita pa at agad na hinarap si France, mabilis kong pinakita sa kaniya ang video, " makakakuha ba tayo ng clue diyan, france?"
" Gagawin ko po ang makakaya ko, Sarhento." Saad nito habang nanunuod.
YOU ARE READING
A Hot Night with You
حركة (أكشن)She gave it her all to stand up for what is just. Taking a life means ripping out her soul, although it is considered the most effective means of ending those individuals who displayed no remorse or compassion for others. Sergeant Jemina Claire has...
