Chapter 47:

14 1 0
                                        

'In the end, we will remember not the words of our enemies, but the silence of our friends.' – Martin Luther King Jr.




" Bakit hindi mo na ako tanungin, Sarhento?" mahinang tanong nito sa akin.


Alam kong nakikiramdam din silang lahat sa amin, walang ingay ang maririnig sa loob ng silid, tanging paghinga lang siguro ang madidinig. Hindi ako kumibo, hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin sa kaniya o tanungin. Hindi pumasok sa utak ko na ganito ang mangyayari.


Sa paraang pagpikit ko ng mga mata ay siyang pagtulo ng luha sa aking pisngi, pinigilan ko ang paghikbi, huminga ako ng malalim, at pinalis ang luhang dumaloy sa aking mukha. Nang maikalma ko na aking sarili ay agad akong humarap sa kaniya.


" Bakit? Bakit sa lahat ng tao, bakit ikaw pa?" 


Seryoso itong tumingin sa akin, walang bakas nang kahit na anong emosyon, kahit anong basa ko dito, hindi ko matukoy kung ano ang gagawin niya.


" Bakit hindi mo ako sagutin, Canna? After all the shits we've been through, sa lahat ng gyerang sinuong natin, sa mga balang sinalo natin, bakit? Why did you betray me?!!!!!!" Sigaw ko rito.


Dumagundong ang boses ko na parang kulog sa buong silid, at sa pagtingin ko sa mga kasamahan namin, ay gulat lahat ang rumehistro sa buong pagmumukha nila. Nanghina ako sa reaksyon nito, walang kahit na konting pagsisisi, seryoso lang itong nakatingin sa akin. 


Nanubig ang mga mata ko sa paraang ginagawa niya, " pati ba naman ikaw tatraydurin ako, pa'no mo nakakayang pakisamahan ako habang nililibing mo na pala ang isang paa ko sa hukay? Tell me! Did they bribe you? Sabihin mo!"

I saw her smirks, " Walang nag-utos sa akin no'n o kung ano man. I did it on my own will."

Biglang nanlambot ang mga tuhod ko at napahawak pa ako sa lamesa, " pero......bakit?"


Suminghap, at kapagkuwan ay tumayo, " Isn't it obvious? I just don't like you. Nakalimutan mo na ba nang dahil sa'yo muntik ng mawala sa akin ang ama ko. Tatanungin mo pa talaga ako, alam moJem. Alam na alam mo." Madiing tugon nito sa akin.

Umiling ako, " Akala ko ba pinatawad mo na ako. Hindi ko sinasadya iyon, Canna. Pinaliwanag ko na sa'yo lahat, hindi ko sinasadya iyon,"  " Shut up!" Malakas nitong sigaw sa akin.


" If you hadn't pursued your revenge, I might have been able to save her. She was requesting your assistance, but what? You abandoned her, where's your sense of remorse, Jem? Ha?! Hindi ka ba nakonsensya, ha!" Bulyaw na naman nito sa akin.


Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, " ano'ng ibig mong sabihin?"


Tumawa ito habang tumutulo ang mga luha sa kaniyang pisngi, " nakalimutan mo na? you were there when she was got kidnapped. Kasama ka niya sa loob ng madilim na bahay na iyon."


Nagtataka lang akong nakatingin sa kaniya, " hindi kita maintidihan, Canna." 


A Hot Night with YouWhere stories live. Discover now