Chapter 46:

24 1 0
                                        

I gazed at her for a considerable amount of time; her appearance is unattractive and filled with fear. She simply wrapped her arms around her knees and her chest and wept continuously. Sinusubukan itong lapitan at kausapin ni Rashid pero hindi ito nagsasalita. Hindi na nito alam ang gagawin, kung lalapit pa ba siya o aaluhin niya. Tinapik ko ang balikat nito at agad na tinanguan, naintindihan niya naman agad ito. 

" Hi. I'm Jem o kung gusto mo ay tawagin mo na lang akong ate. Halika, dito ka sa tabi ko, hindi kita sasaktan, tutulungan kita. May- may gusto ka bang kainin o inumin? Sundalo ako, hindi kita pababayaan, tutulungan kita." Pang-aamo ko sa dalagita.

 Her expression brightened, and she gradually walked towards me before giving me a glance. A fleeting glimpse of sadness, fear, and happiness. At this moment, I am unable to determine her current emotions. I'm not in a position to doubt her feelings as I'm aware that no one can truly comprehend the pain she's endured.

Ngumiti ako sa kaniya, " Pwede ko bang  malaman kung ano ang pangalan mo?", inantay ko ito magsalita pero nakatingin lamang siya sa akin, " sige, kung hindi ka komportable sabihin, okay lang ba na isulat mo? Para alam ni ate kung ano itatawag sa'yo. Okay lang ba 'yon?" 

Hindi ito kumibo, maya't-maya pa ay dahan-dahan kong ibinigay sa kaniya ang isang skecth pad at ballpen, tinitignan ko lamang ang ginagawa niya. Nanginginig ang mga kamay nito habang dahan-dahang nagsusulat, tumigil ito at tumingin sa akin, dumapo ang mga mata ko sa naisulat niya, " Joy. Joy ba ang pangalan mo?" 

Tumango ito, " Pwede ba naming malaman kung sa'n ka nakatira?"

Hindi ito kumibo, malayo ang tingin , " Okay, sige ganito na lang, hmmmm, naalala mo pa ba kung ano ang nangyari sa'yo?"

Takot na takot ito'ng tumingin sa akin, at kapagkuwan ay mabilis na kinuha ang kumot at nagtalukbong. Dinig na dinig ko din ang hikbi na namumutawi sa kaniyang bibig, agad akong tumayo at naglakad palabas. Sumunod naman si Rashid sa akin.



" Ano na gagawin natin ngayon, Captain? Paano natin malalaman kung ano'ng nangyari sa kaniya kung ayaw niya magsalita? Kapag andito na ang mga pulis, wala na tayong pag-asa pang makalapit o makausap siya." Nababahala kong turan sa kaniya.

Bumuntong-hininga ito, " Wala pa rin bang balita sa paghahanap sa mga magulang niya?"


Coming out of his reverie, a call suddenly appeared on his phone, and he pulled it out of his pocket to answer it. I watched him nod repeatedly and then took a deep, drawn-out breath.


Tumingin ito sa akin, " Tara. May pupuntahan tayo."


Tumango ako sa sinabi niya at sumunod dito, mabilis kong isinuot ang seatbelt at tumingin sa kaniya na ganoon din ang ginawa. Binuksan nito ang makina at agad na minaneho, " Saan tayo pupunta?"


" Walang nahanap si Wes na kapamilya ng biktima, pero nagbigay siya ng address nang dati ampunang kumupkop sa kaniya." Tugon nito habang seryosong nakatingin  sa kalsada.

Kumunot ang noo ko, " Paano nangyari iyon? Imposible namang wala. Ano iyon? Ipinanganak lang si Joy sa bangketa kaya walang record sa kahit anong ospital o clinic? O baka naman may nagbura na, Kap." 

Nakita ko ang pagtango nito, " Pwede ding mangyari iyan, malalaman natin kapag nakarating na tayo."




Hope & Light Orphanage


A Hot Night with YouStories to obsess over. Discover now