I'm still trying to process that I ended up kissing him, I should have pushed him away. As soon as my lips made contact, his face suddenly came into my thoughts. I just can't believe that I let him kiss me. Maybe he would think that I am still into him. Why it did not cross on my mind?
Napawahak pa ako sa aking labi nang paulit-ulit nagfa-flash ang mukha ni Zandro sa isip ko. Nag-iinit ang pisngi ko, at hindi ko alam kung bakit paunti-unti ay napapangiti ako.
Mahal ko pa ba siya?
O baka naman, hindi nawala pagmamahal ko sa kaniya.
"Hoy, jem!" kalabit at sigaw ni Canna sa akin.
Nabalik ako sa huwisyo, at tinignan siya, " Bakit?"
"Ba't ka ngumingiti mag-isa diyan, ha? Tapos hinahawakan mo pa labi mo. Iyong totoo, masakit ba iyan? O baka naman...... may nangyaring halikan," saad at panunukso niya sa akin.
"H-hoy! W-wala 'no! Tsaka sino naman hahalik sa akin? Eh, wala naman akong boyfriend." Kinakabahan kong tugon sa kaniya.
Ngumisi ito, "Talaga ba? Eh kung makangiti ka diyan daig mo pang nanalo sa lotto. Aminin mo nga sakin," lumapit pa ito lalo at siniko-siko ako, "Si Tenyente Koronel, 'no? Siya lang naman ang may lakas ng loob galitin ka at lalo nang pakiligin ka."
"Tama ka do'n sa 'nagagalit ako pagdating sa kaniya', pero iyong kilig? Matagal na iyong nawala sa buhay ko. Puro na lang inis ang nararamdaman ko," pagpapalusot ko sa kaniya.
Tumawa ito, " Alam ko na, nararamdaman mo din pati selos."
Tiningnan ko siya, "Ba't mo naman nasabi?"
"Kapag kasama ni Kuya Zandro fiancee niya, umuusok ilong mo o hindi kaya iritable ka," saad nito at panunukso niya ulit.
"Ano?! Baliw ka na. Ba't naman ako magseselos? Eh matagal na nga kami'ng hiwalay," tugon ko sa kaniya.
Pero hindi ko alam kung bakit sa pagbigkas ko ng mga salitang iyon ay bigla akong nakaramdam ng panghihinayang at kaunting selos.
"Haysssss....... alam mo, pinapahirapan niyo lang mga sarili niyo, halata namang mahal niyo pa ang isa't-isa."
Bigla akong natahimik sa sinabi ni Canna. Somehow, she was right; yet we were blinded by our anger and revenge. Napangisi na lang ako sa kawalan, unti-unting pumapasok sa utak ko iyong mga panahong masaya ako sa kaniya, mga panahong kasama ko siya, at mga oras na nilalaan namin para sa isa't-isa.
Wala, eh. Minsan talaga may mga pangyayaring hindi natin aakalain na mangyayari. Hanggang ngayon, narito pa rin sa puso ko iyong sakit, na kahit ano'ng gawin ko o paglimot ko, nakatatak na sa kaibuturan ng puso ko. Bumuntong-hininga ako, iniiwasang pumatak ang mga luha sa pisngi ko. Ayaw kong ipakita kay Canna na nasasaktan ako ngayon, na tumagos sa puso ko iyong mga sinabi niya. Kahit ipakita ko pa na malakas ako, sa kahuli-hulihan mahina pa din ako. Hindi ko namalayan na kusa ng pumatak ang mga luha ko, walang pasintabi, tuloy-tuloy pumapatak na parang ilog na malakas ang agos.
The pain resurrected again, and I let out a deep sigh, unable to restrain my tears, even my shoulders are involuntarily tensing up, clearly indicating that I am in a state of extreme discomfort. I clenched my bottom lip, not to stifle any noise. On the other hand, Canna comforted me by patting my back and telling me I would be okay.
YOU ARE READING
A Hot Night with You
AksiShe gave it her all to stand up for what is just. Taking a life means ripping out her soul, although it is considered the most effective means of ending those individuals who displayed no remorse or compassion for others. Sergeant Jemina Claire has...
