Chapter 49:

14 1 0
                                        

Makalipas ang ilang oras na byahe namin ay agad kaming nakarating sa HQ ng Southern Leyte. Puyat at pagod man ay isinantabi ko iyon at agad naming kina-usap ang Command Officer. Rashid being the captain lead us and starts his way entering the room.


" Salute!" 


Agad kaming sumaludo, " at ease" saad naman ng kumander. Hindi na rin makakaila na may katandaan na ito, gayunpaman narito pa rin sa mukha at tindig niya ang awtoridad at kapangyarihan na mayroon siya.


" Natanggap ko sa headquarters ang ipinunta niyo rito, maaasahan niyong tutulong kami sa abot nang makakaya namin." Seryoso nitong saad at nakatingin sa amin.


Nakahinga ako ng maluwag, nakangiting lumingon sa akin si Rashid, nginitian ko din ito, " Lieutenant Colonel Saragosa had helped us many things, we owe him big time." Saad ulit nito.


" Maraming salamat ho, sir." Rashid spoke.


Hindi ako kumibo, wala ako sa posisyon para makisali sa usapan kahit kating-kati na ang dila ko na magsalita, " You must be Sergeant Faustino?"


Napalingon ako sa kaniya at tumango, " Yes, sir!"


Ngumiti ito sa akin, " Lagi kang kini-kuwento sa akin ni Zandro, at kapag nagku-kwento siya, nakikita ko sa mga mata niya na mahal na mahal ka niya. Hindi lang ako makapaniwala na nandito ka din para iligtas siya."

Malungkot akong napangiti, " Malaki na ang atraso ko sa kaniya, sir. Siguro ito na iyong tamang panahon na ako naman ang maging sandalan niya."


Lumawak ang ngiti nito sa akin, " You two cherished each other. And that's nice to see. Anyway, nakahanda na ang mapagpapahingahan niyo, kung may kailangan pa kayo, sabihin niyo lang sa akin."


" Maraming salamat po sir." Sambit  ni Rashid.

Hindi din nagtagal ay sumaludo kami rito at umalis na. Sinamahan kami ng isa sa mga sundalo niya at iginaya kami sa aming matutuluyan.







Security Area 4-1

Pinapanuod namin ang video na nakuha ni Canna nakaraan, lahat ay nakatuon sa screen monitor, habang nakatayo akong nanunuod din.


" That's the video Sergeant Castro filmed; as you can see, these men aren't merely gangsters—they were hired killers, specifically former inmates from prison, who were brought in for the job." Panimula kong saad sa kanila.


" France digs in the information," agad kong nagtipa sa laptop at ipinakita sa screen ang blueprint ng isang building, " iyan ang lokasyon nila, lumang building at dating pagmamay-ari ng painter na iyon."

" Kaano-ano ba ni Nesha ang pintor na iyon, Sarhento?" 

Nabaling ang atensiyon ko sa tanong ni Brennan, ipinakita ko sa screen ang mukha nang pintor na kasabwat ni Nesha, " siya ang kasabwat ni Nesha at ang tunay niya'ng ama."

A Hot Night with YouWhere stories live. Discover now