Agad kong sinipa ang upuan sa harapan ko, hindi pa ako nakuntento ay pinagtatatapon ko ang lahat ng gamit na nakikikita ko. We were nearly successful in apprehending that bitch, but she slipped away undetected. I'm not even sure who I want to hold accountable for their carelessness. Ginawaran ko ng masamang tingin ang mga kasama ni Canna. Yumuko ang mga ito.
"Didn't I tell you to watch her every second? What have you all done?! Dahil sa ginawa niyo marami pang madadamay!" Sigaw kong saad sa kanilang lahat.
Tahimik lang si Canna na nakaupo malapit sa bintana, hindi rin ito kumikibo. Halos mapasabunot pa ako sa sarili kong buhok dahil sa kapalpakan nila.
"Answer me! Kapag walang may sumagot sa akin ngayon, lahat kayo, pasasabugin ko iyang mga bungo niyo." Pagbabanta kong dagdag na saad.
Walang may sumagot, naningkit ang mga mata ko, kaya walang sere-seremonyas na kinuha ko ang baril sa lamesa at itinutok sa kanila. Nakita ko naman ang mga gulat nitong reaksyon at ang pagsinghap ng iba pa. "Hindi niyo ba alam na may nasugatan na sundalo dahil sa kapabayaan niyo. Masiyado na ba akong naging mabait na kaya niyong hindi sumagot sa akin ngayon. Kampante kayo na hindi ko kayo parurusahan, ha?!" Bulyaw na sambit ko sa kanila.
Nakita ko ang pagtaas-baba ng lalagukan ng isang lalaki, suminghap ako, kapagkuwan ay ikinalma ang sarili. Tumalikod ako sa kanila, nagpakawala ng marahas na hininga, kalaunan ay pumikit pa ako para mag-isip ng maayos.
"Woah! May bagyo ba?"
Napalingon ako sa nagsalita, ang mga unggoy ay walang pasintabing pumasok. Umupo ito katabi ni Canna. Buti na lamang ay medyo may kalakihan itong opisina ko. Hindi na ako nagulat na pumasok din si Zandro,
"May problema ba, Sarhento? Mukhang wala ka sa mood, ah." Pang-aalaska pa ni Rashid sa akin.
Inirapan ko lamang ito, ibinalik ko ang atensiyon sa mga nasa harapan ko. Ramdam ko ang takot at pagkabahala sa kanila. "200 laps-" biglang napaubo si Maki sa sinabi ko, "May problema ba sa sinabi ko, Maki?"
Agad itong umiling, ngumiti sa akin, "Wala po, Sarhento." Nginisihan ko ito, "Kung ganun, 250 sayo." Nanlaki ang mga mata nito, " Sarhento naman," pinaningkitan ko ito ng mga mata, "Ayaw mo? Mukhang easy lang sayo ang 250. Gawin na nating 300." Agad itong umiling, "Hindi ka naman po mabiro, Sarhento. Ayos na po sa akin ang 250."
Hindi ko ito tinugon, "Ang nangyari ngayon ay magsisilbing aral 'yon sa inyo. Sa susunod na pumalpak pa kayo, isasabit ko kayo isa-isa sa flagpole. Naiintindihan niyo?!"
"Ma'am, yes ma'am!" tugon nilang lahat sa akin.
"Dismissed!" Agaran kong sambit.
"Sandali Maki, iyong pinapaasikaso ko sayo, asikasuhin muna pagkatapos ng parusa mo."
Nanlaki na naman ang mga mata nito, "May problema ka ba sa mata?"
Agad na umiling ito, sumaludo, at pagkatapos ay kumaripas ng takbo. Napailing na lamang ako. Hinarap ko ang mga bwisita kong kanina pa ay nakangisi. " Ano'ng ginagawa niyo rito?"
"Bad mood si Sarhento, ah." Tuksong saad ni Conrad sa akin.
I scoff, then stride directly to my chair and regard them sternly. " Natakasan ako ni Nesha, at hindi ko alam kung bakit nawala ng parang bula iyon."
"I already told you that we have spy here. Hindi mo sineryoso iyon." Canna answered.
"I guess, I did let my guard down. I should have killed him." Tugon ko rito na ikinatango naman ni Canna.
YOU ARE READING
A Hot Night with You
AcciónShe gave it her all to stand up for what is just. Taking a life means ripping out her soul, although it is considered the most effective means of ending those individuals who displayed no remorse or compassion for others. Sergeant Jemina Claire has...
