Mahigpit nito'ng hawak ang kamay ko, kahit sa paglabas namin ay hindi nito binitawan. Nang maaninag ang mga lumalapit ay kumunot ang noo ko. Mga armadong kalalakihan at ngayon ko pa lamang nakita. Masama kong tinignan ang isang lumalapit sa akin. Nang akmang hahatakin niya ako niya mula kay Zandro ay mabilis akong kumilos at sinipa ito sa dibdib niya dahilan nang pagkakatumba nito. Dinig ko pa ang pagkaubo niya.
Umatake ang dalawang nasa gilid ni Zandro na naagapan naman din niya agad. Sinipa nito sa paa, tinuhod sa panga. Ang isa naman ay sinapak ng dalawang beses.
Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at tinanguan siya, ngumiti ito at tinanguan din ako. Agad kong tinungo ang iba pa, hinawakan ko ang kamay nito at inilagay sa likod niya. Sinipa ko naman ang tuhod nito, napaluhod ito habang hawak ko. Naramdaman ko ang pagsugod ng isa sa likod ko, nailagan ko ang pag-atake niya. Iniiwasan ko ang mga ito habang hawak pa din ang isa.
I was caught off guard when one of the men suddenly attacked me brutally; he threw a powerful punch, followed by punch after punch. The final punch hit me, causing my lips to bleed, and made me down on the ground. My hand began to clench into a fist as I glared at them. I stood up and smirked.
The three of them smirked back at me, perhaps they were thinking they could beat me. When I have the right time, I run to them. I bend my knees and back to avoid the hands that are attacking me. As soon as I did, I quickly got up and kicked them.
Nakita ko ang pagkabagsak ng dalawa sa putikan. Napailing ako, mabilis akong kumilos nang sumugod ang isa. Nasalag ko ang kamay nito, hinawakan ang pala-pulsuhan, hinila siya at tinuhod ko ito sa kung saan ang pinakamasakit. Naawa naman ako kaya binitawan ko, nagtatatalon ito na akala mo isang kangaroo. Napangisi ako, " One! two! Three! Kaya mo 'yan!" Pang-aasar ko pa rito.
Nilingon ko si Zandro, he was surrounded by four men and attacking him furiously. Napailing ako, wala kasi sa mood ang mukha ni Zandro ngayon. Ibinalik ko ang aking atensiyon sa tatlo. Hindi na ako nag-atubili pa, mabilis kong nilapitan ang dalawa, hinawakan ko sa balikat at agad na sinuntok sa mukha, ang isa naman ay sinipa ko sa mukha at sa tiyan nito. Sabay na nawalan ng malay ang dalawa, nilingon ko ang isa na hanggang ngayon nakabaluktot. Umiling na naman ako sa nakikita, mukhang tinanggalan ko pa ng kaligayahan. Nilapitan ko ito, kapagkuwan ay niluhod ko ag isang tuhod at nginitian siya.
" Masakit ba?"
Masama ako nitong tinignan, hindi ko na ito pinagsalita pa, sinipa ko ito sa tiyan at pagkatapos ay sinapak ang mukha. Tulog.
Nabahala ako nang makita ang isa na may balisong pang hawak, tinakbo ko ang direksiyon ni Zandro. Nang makalapit ay agad na sinipa sa tagiliran ang lalaking may hawak na balisong, hindi ito natinag sa ginawa ko, hinawakan ko ang palapulsuhan nito at sinuntok ang braso ng isa pang kamay ng buong pwersa. Sinipa ko ang tuhod ng dalawang beses, pagkatapos ay siniko ko ito sa tagiliran dahilan nang pagkakahulog ng balisong. Nang nawala ang pokus nito ay agad akong humugot ng malaking pwersa, umapak sa kotse, at nilipad ang pagitan naming dalawa, sinuntok ko ito sa mukha.
Tumba.
Pagkalingon ko kay Zandro ay tumba rin ang mga kalaban nito. Damn! He's so fast. Bago pa makatayo ang isa sa likuran nito ay agad kong pinaputukan ito sa binti. Agad na hinila ni Zandro ang lalaki at kinwelyuhan, " Who sent you to kill us?"
Nakakakilabot ang boses nito, hinding-hindi mo gugustuhin na marinig, " Answer me!" Sigaw pa nito.
Hindi ito nagsalita, ngumingisi lang sa kaniya, " Let him. We need him alive. We need to get out of here."
Tumayo ito at hinila ang lalaki papasok ng sasakyan, agad kong pinaandar at panaka-naka kong sinusulyapan si Zandro. Madilim ang mukha nito, gumagalaw pa ang panga, senyales talaga na galit siya. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating kami sa bahay niya.
YOU ARE READING
A Hot Night with You
AcciónShe gave it her all to stand up for what is just. Taking a life means ripping out her soul, although it is considered the most effective means of ending those individuals who displayed no remorse or compassion for others. Sergeant Jemina Claire has...
