Meanwhile
Naglalakihang mga gusali, nagniningning na mga chandelier na nakasabit sa ceiling, at ang mga naka-itim na kalalakihang nakahilera sa loob ng isang silid. Nakaupo ang mapag-sinong lalaki sa pinakagitna ng mahabang lamesa habang hawak ang isang wine glass at nakangising nakatingin sa lahat ng panauhin niya.
" Sa oras na ito kayang-kaya na natin pabagsakin ang gobyerno at patayin ang mga harang sa ating mga negosyo." Turan ng isang matandang lalaki.
Mas lalo lamang lumawak ang ngisi ng pinaka lider ng grupo, natutuwa siyang sa loob ng ilang buwang pananahimik niya ay nagbunga ulit ang matagal na niyang plano.
" Ano ang plano mo ngayon? Nabuo mo na ulit ang organisasyon mo."
Napalingon ito sa nagtanong na mas bata pa kaysa sa kaniya, ang bago nilang miyembro.
" We will play along. Hindi basta-bastang kalaban ang kumander ng militar, at isama pa ang talino at wais nilang Sarhento. Kung alam ko lang na buhay ulit siya, dinurog ko na lang sana siya ng pino noon." Malamig nitong tugon sa kaniyang kasamahan.
" Hindi ba ay nagkagusto ka sa babaeng iyon?"
Ngumisi ang lider, at wala sa oras na binaril sa noo ang isang lalaki, hinipan nito ang umuusok na baril at kapagkuwan ay nagkibit-balikat, " In my organization, my words are the rules. If you less talk, then you'll alive more than you deserve. If not, say hello to my favorite gun." Winagayway pa nito ang baril sa harap nila.
Natahimik ang lahat, dinig ang buntong-hininga ng nag-iisa nilang lider, maya't-maya pa ay humalakhak ito sanhi ng pagkabahala ng lahat. Iniligay nito ang mga paa sa ibabaw ng lamesa at patuloy na tumatawa.
" Can we start the game?"
Ngumiti ito sa bago nilang miyembro, at kapagkuwan ay tumango, " Of course. The game starts, now!"
Mas lalong lumakas ang tawa nito, hinayaang lumabas ang mga kasapi, habang pailing-iling ito na parang nababaliw. Sa ilang minutong nagdaan ay tumayo ito at binuksan ang pintuan, tumambad ang mga litratong matagal na niyang inipon.
" You will fvcking see your end. I will kill all of you. You, and you, especially you," saad nito habang hinihiwa ang litrato gamit ang kutsilyo, " Ako mismo ang papatay sa inyo. Magbabayad kayo."
Rashid
Bakit parang napakabusy ng lahat ng mga tao'ng nakakasalamuha ko? Agad akong dumirecho sa opisina ni bossing. Magpapaalam ako sa kaniya ngayong linggo, at kailangan kong mapuntahan iyon bago pa mahuli ang lahat para sa akin.
Papasok na sana ako, pero napag-isip kong umatras. Napagdesisyunan kong kumatok at baka kapag hindi ay may maabutan na naman akong hindi kanais-nais, at mapagbuntungan na naman ako ng inis nito.
" Come in."
Dinig ko ang walang buhay nitong saad sa akin, pagkapasok ay tumambad sa akin ang mga papeles nito sa lamesa niya. Suot pa nito ang eyeglasses na binili namin no'ng hindi pa sila nagkakabalikan ni Jem. Agad akong umupo sa harap niya.
YOU ARE READING
A Hot Night with You
ActionShe gave it her all to stand up for what is just. Taking a life means ripping out her soul, although it is considered the most effective means of ending those individuals who displayed no remorse or compassion for others. Sergeant Jemina Claire has...
