Hindi ko alam kung ano na ang gagawin, nadatnan namin sa isang abandonadong bahay ang isang babaeng reporter. Nakatanggap ng tip si Aries na lider ng private agent ni Aling Selya, agad kong sinama si Wesley at hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa, agad naming pinuntuhan, tapos nang mismong pagdating namin saka binawian ng buhay ang biktima. Napahilamos ako sa mukha, isang iglap lang namatay ang nag-iisang witness na matagal ko nang pinapahanap kay Canna.
Agad rin namang tumawag ng mga pulis si Wes at ambulansiya, nanghihina akong napaupo, malapit na ako sa katotohanan, nawala na naman na parang bula, magsisimula na naman ako nito sa pinaka-una.
Napansin ko ang paglapit ng isang lalaki kay Wes, pagkatapos ay lumapit ang mga ito sa akin, " Jem, sila daw ang hahawak sa kasong ito."
Hindi ako kumibo, " Violent Crimes Team 2 Investigation, Captain Euhann Rosales."
Wala sa mood ko lang siyang tinitigan, " Jem? Hoy!" Tawag sa akin ni Wes.
Tumango ako, " Can you explain why you can be the first witness?"
Tumingin sa akin si Wes, " Gusto akong kausapin ng biktima, at kung tatanungin mo kung ano iyon, hindi ko din alam, 'pag dating namin dito, wala na siyang buhay."
Nakita ko ang pagngisi nito, " Were you not here because of other information?"
I scoff, " Absolutely not." Wesley replied.
Sumeryeso ang mukha nitong tumingin sa akin, " I just heard you dig a case about that illegal organization. Is it related to the victim?"
Natawa ako, " Did you run a background check on me?"
Ngumisi ito, " Well, I don't have time for that, but actually you are very famous, Sergeant."
Hindi ko ito kinibo, hindi ko mabasa ang susunod nito'ng ibabato sa akin at bakit parang ang init ng dugo nito sa akin, " Be honest, do you come here because of something?"
" Really, Captain? Ulit-ulit? Sinabing hindi, 'di ba? Ipinaliwanag ko na rin sa'yo."
" Pero hindi mo pa ipinaliwanag kung bakit ikaw ang tinawagan ng biktima. Paano kayo nagkakilala?" Madiin nitong tanong sa akin.
Napapikit ako sa pagkapikon sa kaniya, " Hindi ko alam. Are you interrogating me?"
" Yes. At kung labag iyon sa kalooban mo ngayon, iimbitahan ka na lang namin sa susunod na mga araw para sa testimony mo."
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya, " Fine. Be my guest, Captain. Sa tingin ko nalaman mo ang impormasyon sa akin dahil kay Alconsore. Mukhang iniingatan mo pa rin ang pinsan mo."
Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon nito, " Don't turn the conversation around. Tell me, you know something about the perpetrators of this case, don't you?"
Ngumisi ako, " Uulitin ko, hindi ko alam. Pareho lang tayong alagad ng batas, walang rason para itago ko sa'yo."
" Sarhento, mukhang panatag tayo ah. Bakit? Kasi nobyo mo ang kumander niyo? You climbed too far." He said it mockingly.
Naningkit ang mga ,mata ko sa sinabi niya, " Ano'ng sinabi mo? Ulitin mo nga."
Hindi ko ito nalapitan agad dahil sa biglaang pagharang ni Wes, pinipigilan ako nito sa gagawin ko, " Isn't it time for you to admit that you worked hard in order to gain his attention?"
YOU ARE READING
A Hot Night with You
ActionShe gave it her all to stand up for what is just. Taking a life means ripping out her soul, although it is considered the most effective means of ending those individuals who displayed no remorse or compassion for others. Sergeant Jemina Claire has...
