" Matapos ang masusing pag-aaral sa mga ebidensiyang iniharap sa hukumang ito, at depensa ng panig ng tagapagtanggol at panig nang taga-usig, napatunayan ng hukumang ito ng walang pag-aalinlangan, na ikaw Tenyente Alconsore ay nagkasala ng malawakang pagtataksil sa bansa at katarungang militar, insubordinasyon, at may kasamang pagpasiyang pagpatay sa iyong kapwa militar. Dahit dito, ikaw ay hinahatulan ng hukumang ito ng habang-buhay na pagkabilanggo. Inaatasan din ng hukumang ito ang akusado na bayaran ang halaga ng napinsala nito."
" Hindi! Hindi ako magpapakulong habang-buhay! Tandaan niyo 'to! Pagsisisihan niyo 'to judge. Sinusumpa ko! Pagbabayaran niyo 'to judge!"
Tumayo ako nang nakangiti, buti naman nagkaroon din ng hustisya. Nakita ko ang masamang tingin ni Alconsore sa akin ngunit nginisihan ko lamang siya, agad na dumapo ang tingin ko sa abogadong papalapit sa akin.
Kinamayan ako nito, " Congratulations."
Nginitian ko ito, " Salamat, Attorney."
Habang naglalakad ay laman ng isipan ko ang mukha ni Colonel De Dios, ba't kaya hindi pa siya nililitis? Tinapik naman ni Canna ang balikat ko at ngumiti pa ito sa akin. Nauna itong umalis at may lalakarin pa daw siya, hinatid ko ito ng aking paningin habang malawak na ngiti ang nakaplastar sa mukha ko. Nang makalabas nang tuluyan ay napapikit pa ako sa paglanghap ng hangin.
Napangiti ako ng makita ang pagtigil ng sasakyan, kung makababa ito ay aakalain mong nasa isa siyang drama sa telebisyon, umiling ako nang makalapit ito sa akin, " Agaw eksena talaga iyang kotse mo."
Ngumiti ito, at hinalikan ako nito sa pisngi, " Why? Wala namang problema sa sasakyan ah."
I mock him, " Wala? Para sayo, oo- look at your surroundings," saad ko sa kaniya at inginuso ang sa likuran nito.
Nilingon nito ang likuran niya, lahat talaga sila nakatingin sa kotse na agaw eksena. " Really, Saragosa? Ferrari 296 GTS talaga dinala mo. Wala bang normal sa mga sasakyan mo?"
Humarap na ito sa akin, kumurap-kurap, " How did you know?"
Nirolyohan ko ito ng mga mata, " Wala tayo sa car racing, tsaka isa pa, pwedeng normal lang naman ang dalhin mo."
Tumawa ito, " No! Making you comfortable is my utmost priority, and that I use my expensive car for you. You know I want to spoil you a lot."
Pinandilatan ko ito ng mga mata, " Minsan gusto na lang kitang bugbugin."
Tumawa ito, hinayaan ko ito sa kahanginan niya, agad akong naglakad patungon sa kotse niya at hiningi ang susi. BInigay naman niya ito at hinayaang umupo ako sa driver seat.
Hindi pa nga nito nasusuot ang seatbelt nang pinaharurot ko ang kotse niya, " Ya! Claire! What the hell are you doing?! Slow down!"
Nginisihan ko ito, slow down pala ah, mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo, pasalamat na lang siya ng nag-red light. Masama niya akong tinitignan ngayon, tinatawanan ko lamang ito, " Happy? Papatayin mo ba ako, ha?!"
I chuckled, " Hindi naman. Sinubukan ko lang naman kung mabilis."
" What now?"
Tumawa ako, " Mabilis nga."
Umiling-iling pa ito sa akin, at pagkatapos ay napangiti ito. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating kami sa amin paroroonan. I was astonished; this is the first time I've been to this location. The area appears lavishly opulent yet serene.
YOU ARE READING
A Hot Night with You
AcciónShe gave it her all to stand up for what is just. Taking a life means ripping out her soul, although it is considered the most effective means of ending those individuals who displayed no remorse or compassion for others. Sergeant Jemina Claire has...
