Magana kaming kumakain, minsan pa nga ay nag-aagawan kami ni Rashid nang hipon sa plato. Kapag nauunahan ako ay titingin lang ako kay Zandro, at hindi pa aabot ng ilang minuto sinuko na ni Rashid ang hipon sa kaniya at ibibigay din sa akin. Nabulabog ang pagkain namin sa resto nang madinig ang kaguluhan sa likod namin. Limang kalalakihan ang nanggugulo sa isang table na inu-okupahan ng mga kababaihan. Dinig na dinig talaga ang tawanan nila na kahit ang ibang mga customers ay tumigil kumain at nakatingin na lamang sa mga nagkukumpulan.
" Magkano ka ba ha? Hindi ba ay gawain mo iyan sa trabaho mo?"
Dinig kong tukso ng lalaki sa babae, hindi ko ito makita nang maayos dahil natatakpan ang hitsura nang babae. Napailing na lamang ako at hindi na sana papansinin nang madinig ulit ang sinabi ng lalaki, " Anak ako ng alkalde dito sa lugar na ito, kayang-kaya kitang bilhin."
Tumatawa pa ito, kumunot ang noo ko, akmang tatayo na ako para awatin sila nang madinig ang boses ng babae, " hindi ako pumapatol sa bata at isa pa walang kagusto-gusto sa ugaling mayroon ka."
Napangisi ako nang madinig ang boses ni Adrielle, mas lalong tumuon ang pansin ko sa pwesto nila. Kitang-kita na talaga ang mukha ni Adrielle nang tumayo ito. Naka-uniporme ito nang pang-kolehiyo at bagsak na bagsak ang buhok hanggang sa balikat niya. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya at maya't-maya ay hinawi ang daraanan, hindi na ako nagulat nang lumapit sa aming lamesa at agad na hinalikan si Wes nang hindi inaasahan.
Napailing ako, kalaunan ay lumapit din ang mga lalaki sa amin. Ang atensiyon tuloy nang lahat ay nasa amin na, " what? sasama ba kayo at panunuorin ang sexy time namin ng boyfriend ko?"
Walang may kumibo sa kanila, ngumisi si Adrielle, " well then, leave! My boyfriend can kick your balls. Can't you see? He's a soldier -a freakin' hot soldier." Dagdag niyang saad.
Tumalim lang ang tingin nang isang lalaki kay Adrielle at kapagkuwan ay umalis din kasama ang mga kasama nito. Nadinig ko ang buntong-hininga ng babae. She looked at Wes apologetically, " I'm sorry, sir. Wala na kasi akong maisip na ibang palusot."
Hindi ito kumibo, nagulat siguro si Wes, tumikhim ako, " Really, Ad? Madami namang lalaki dito, a"
Ngumisi ito, " so okay lang sayo na halikan ko si bossing?"
Kumunot ang noo ko at masama siyang tinignan, " fvck off! Your boss is mine- mine alone. Mabuting si Wes, good choice." Saad ko at tumawa.
Tinapik ni Adrielle ang binata, " pasensiya ka na sir a. Sa susunod na pagkikita natin ililibre na lang kita for my peace offering. May lakad pa kasi ako, " tumingin ito sa aming lahat, " alis na ako, enjoy kayo. Ciao!"
Mabilis itong nawala na parang bula, natatawa ako sa reaksyon ni Wes mukhang hindi nagustuhan ang nangyari.
" Dude, wag mong sabihin na first kiss mo 'yon?" Conrad teasingly asks.
Masama lang tumingin si Wes sa kaniya, " don't be a pussy, Wes." I added.
" Claire." Pagbabantang sambit ni Zandro sa akin na tinawanan ko lang, kinidatan ko lang ito.
YOU ARE READING
A Hot Night with You
ActionShe gave it her all to stand up for what is just. Taking a life means ripping out her soul, although it is considered the most effective means of ending those individuals who displayed no remorse or compassion for others. Sergeant Jemina Claire has...
