- Issue -
Fatima's POV
"Kulits!"
"Oh, Enz."
"Anong problema? Bakit feeling ko iniiwasan mo ako?" Naupo kami sa bleachers. Hindi ko kasi alam kung anong irereact sa kanya after kong malaman na half brother niya pala si Jake. Isa siyang Marcos. Tapos hinayaan ko siyang ligawan ako? Takte naman oh. Pero tapos na yun syempre, but hindi ko lang alam kung paano ko siya pakikitunguhan. Medyo naguguluhan ako if itetreat ko siya as Enz na makulit na nanliligaw sa akin dati o yung totoong Enz na kilala ko na ngayon na isa palang Marcos at kapatid si Jake. Na-soon ay magiging brother-in-law ko na.
"Tell me Fatima. Com'on."
"Kilala na kita Enz. Sinabi na sa akin ni Jake." Napabuntong hininga lang siya sa akin.
"So kaya ka nagkakaganyan dahil sa nalaman mo? But nangako ka na walang magbabago kahit na ano once na may malaman ka sa akin. You told me na hindi ka magagalit."
"Enz, alam mo kasi naguguluhan lang talaga ako. Hindi ko alam kung paano kita papatunguhan. If I will treat you as Enz na nakilala ko na makulit or as Enz na isa palang Marcos na kapatid ng fiance ko."
"Ok. Para hindi ka mahirapan, ako na mismo magpapakilala sa sarili ko. I'm Kurt Terence Marcos. Half brother ni Jan Kevin Marcos. Pero treat me as the real me Fatima. Ito yung totoong ako. Mula sa umpisa na nakilala mo ako, ito yung ako. Wala ng ibang bagay pa akong tinatago."
"Pero Enz, bakit ba hindi ka na lang nagpakilala sa akin bilang ikaw mismo?" Iniwas niya yung tingin niya sa akin.
"Dahil natatakot ako na layuan mo ako dahil isa akong Marcos. And worst, I'm an illegitimate child." Pinat ko yung ulo niya.
"But kahit na. Friends tayo di ba? Si Jake nga kahit gaano kasama ang ugali nun, hindi ko naman nilalayuan." I smile at him. Bigla niya akong niyakap.
BINABASA MO ANG
Runner Up's Promise *Season 1 Completed*
Teen FictionHanggang kailan mo kayang kumapit sa PANGAKO? Gaano mo katagal kayang magkaroon ng matigas na puso tulad ng sa bato? Read. Comment. Vote. Follow. :)