- Here in L.A -

495 7 0
                                    

- Here in L.A -

Fatima's POV

Dumating kami sa L.A ng mga gabi na siguro. Dumiretso kami sa isang Condo. Tinanong lang ni Jake ang susi sa unit dahil ibinili na daw sila dun para may pansamatala silang tutuluyan. Umakyat kami gamit ang elevator.

"Jake, pagdala mo naman ako. Ang bigat kaya nitong hand bag." Pero hindi ako pinansin. As usual. Pinagpapawisan na ako dahil sa bigat kahit na hindi naman mainit. Kaya hinawakan ko ang kamay niya at ikinapit sa hawakan ng handbag ko. Ikaw magbitbit niyan. >:)

"Hey! Dadala dala kasi ng napakaraming gamit."

 

"Pakialam mo ba? Gawin mo kaya ang ginagawa ng fiance."

 

"I'm not your slave. Bitbitin mo yan ng mag-isa." Binitawan niya ang handbag ko at lumabas na ng elevator. Kaya naman bitbit ko na ulit ang handbag ko kahit mabigat. Sumunod agad ako sa pinto na tinigilan ni Jake.

"Sa isang unit lang tayo titira?!"Binuksan niya ang pinto at ang laki ng condo unit. Ok, nice talking.

Malawak ang sala. Agad kong hinanap ang kwarto. Noong nakita ko ang pinto papunta sa kwarto ay agad akong pumasok at nahiga. Nakakapagod.

"Get off of my bed. Go find your own."-Jake

 

"No way! Nauna ako dito. Ikaw ang maghanap." Kaya naman lumabas siya at naghanap. Mga ilang minutes lang ay bumalik ulit siya at ibinaba ang bag niya sa sahig ng kwarto. Dire-diretso siyang dumapa sa kama.

"I guess we need to share beds."

 

"What do you mean? Isa lang ang kwarto at kama?!" Umikot siya ng nakahiga.

"Yea. Kaya wag kang malikot." Tinulak ko siya kaya naman bumagsak siya sa kama.

"ANO BA!"

 

"NO! Dun ka sa couch matulog. Ako ang dito."

 

"That's unfair runner up. Our family paid all of these."

 

"NATURAL LANG! Ikaw ang lalaki noh! And sino bang may sabi na isama mo ako? Di ba kayo? Di dapat lang talaga pamilya mo ang magbayad!" Kaya in the end, wala rin siyang nagawa kung hindi sa couch matulog.

Runner Up's Promise *Season 1 Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon