-Mabait rin pala si Mr. Stoneheart-

1.7K 25 0
  • Dedicated kay Loren Tolentino
                                    

(J/N: Ito na po yung chapter 2 dedicated to one of my teachers... hahaha...cher, Hindi na po ito panaginip.. tunay na tunay na po itong Update.. :)

Hilo na ako sa S.I.P namin... sakit sa ulo.... bukas na ang defense... @_____@)

-Mabait rin pala si Mr. Stoneheart-

"Hoy Jake! Tatalunin kita ngayon sa cooking class natin! Humanda ka!" At tinuro niya pa ako sa mukha saka siya pumasok sa cooking room. That nosy talkative jubilant creature, Bakit ba kasi hindi niya na lang tanggapin na hindi niya ako kaya...=___=+ Like I care naman?

"Shut up Runner Up and just do it."

"Hmmmppp.. ang yabang mo!"

Ang ipinagawa sa amin ng prof namin ay isang italian pasta na kami na ang bahala kung anong ingredients ang gagamitin namin.

Tahimik lang ang lahat na nagluto ng kanya kanyang pasta.

Si Fatima, mukhang pursigidong matalo ako dahil seryosong seryoso siya sa ginagawa niya... Psh, para namang kaya niya.....

"OUCH!" Ano yun? Napalingon ako sa likod ko. Napaso siya. So careless...

"Ms. Evangelista, ayos ka lang ba?" tanong ng prof namin sa kanya.

"Opo sir. Konting paso lang naman po ito." Liar.=___=

"Sige, mag-ingat ka na lang sasususnod."

"Ok, bibigyan ko na ng grade ang mga ginawa niyo at ang highest would be 95." isa isa ng tinikman ni sir Vic ang mga luto namin. Hindi niya nagustuhan ang ibang luto dahil simple lang ito aya pasang awa na grado ang ibinigay niya.

"Ahmmm...sige, titikman ko na ang niluto mong pasta Ms. Evangelista."

"Sige po sir. Masarap po iyan.^_^" confident siya sa niluto niya. Bakit kaya?

"Masarap ang pagkakaluto. Malasa ang pasta. Maganda rin ang presentation. I'll give you 94%"

"Yes!" Pabulong niyang sabi. Tsss... tignan mo lang 95 ang sa akin..

"Mr. Marcos, ito ba ang niluto mo?" Tanong pa nito. Malamang sir. Yan po ang nakikita niyo sa harap ko di ba?! COMMON SENSE NA LANG PO! Pero hindi ko yun sinabi bilang respeto na lang sa kanya.

"Opo sir. Tikman niyo na lang po and don't ask me." Tinikman na niya. Noong una, nanlaki ang mata niya na parang nagulat sa lasa tapos parang bigla siya naging isang hayop na 1 buwan na hindi nakakain. Nawala ang manners ni sir.

"Mr. Marcos, You'll have 95%. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lasa nito. Pero ito lang ang masasabi ko delizioso"

"Whaaaaaat?!" Nagulat ang lahat ng kaklase namin at ako naman lumabas na ng room na yun. May sunod pa akong klase at hindi dapat ako malate.

Habang naglalakad, nakita ko si Fatima.

"Oh, nasaan na ang ipinagyayabang mo na matatalo mo ako?"

"Sa sususnod na talaga... arggghh.."

"You will always be secondplace to me." Nilapit ko sa kanya ang mukha ko. Wala talaga akong interest sa mga babae. Dahil hindi ako pwedeng magkagusto sa kahit na sino.

"Shut up! Alam mo ang hangin mo. Bigheaded arrogant."

"Pareho lang yun, don't you know that?"

"Wala ka na dung pake. Ayaw mo? Di insensitive ARROGANT!" mayabang ka dyan? Kung sinisipa kaya kita pabalik sa pinanggalingan mo?!

Hinawakan ko siya sa kaliwa niyang kamay.

"Ouch." Paglingon ko sa kanya, may paso nga pala siya. Kaya dinala ko siya sa clinic para magamot ang paso niya. Wala doong tao pagpasok namin kaya nakakapagtaka. So kinuha ko yung first aid kit at ginamot ang paso niya.

"Why do girls are so careless?" Bulong ko sa sarili ko habang ginagamot siya.

"I'm not careless." Tinignan ko yung paso niya at diniinan ito.

"Ouch. This is not because I'm careless, it was an accident." Diniinan ko ulit dahil careless pa rin ang ibig sabihin nun.

"Ouch... Kala ko ba gagamutin mo ito? Ouch... fine careless na kung careless pero hindi pa rin kita natatalo."

"Masakit pala ito, why did you lie to our Prof?"

"Ayoko kasing maging duwag and use excuse kaya hindi kita natalo. I want to defeat you by my best."

"Talkative."

"Aasarin mo pa talaga ako?" Tumayo na ako at ibinalik ang medicine kit sa pinagkunan ko.

"Just thank me." Binuksan ko na ang pinto pero hindi ko pa ito lubusang naisasara ng marinig kong sabihin niya na "You're not that insensitive. Thank you Jake."

Uwian na, kasabay ko na sila Akira, James at John. Bonding daw muna kami pero nakita bigla ni Akira si Fatima na pauwi na.

"Fatima! Uwi ka na?"

"Ahmmm.. yup. May mga pag-aaralan pa kasi ako." Napatingin si Akira sa kaliwang kamay ni Fatima at hinawakan sabay itaas ito para ipakita kay Fatima.

"Anong nangyari dito? Kawawa naman yung kamay mo..."

"Ah, napaso lang ako sa cooking class namin. Don't worry, nagamot na ito kanina sa clinic."

"Ah, dapat pala akong magpasalamat kay Nurse Lili"

"Hindi, kay Jake ka dapat magpasalamat. Siya ang gumamot dito noong wala sa clinic si Nurse Lili." At bumulong siya then "Ingat ka." Nagwave na siya kay Akira.

"Jake, salamat sa paggamot kay Fatima ha. Alam ko namang mabait ka din. Salamat daw pinapasabi niya."sabay tapik sa likod ko.

"Mabait talaga ako matagal na. Ngayon mo lang nalaman?" pambabara ko kay Akira.

"Tara na nga bago pa kayo magkainitan dito." Sabi ni Keith.

"Para pa namang lalaki si Akira kung magalit."

"Manahimik ka nga. Hindi ka nakakatuwa James!"

"Chill... oo na. Dun na lang tayo sa ice cream parlor para naman malamigan ulo mo."

Runner Up's Promise *Season 1 Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon