- Enz's POV -(ch.30)

545 13 0
                                    

- Enz's POV -

(J/n:Ok, ginawan ko na po siya ng POV....pero hindi ko po dito irereveal ang buong pagkatao niya. hahaha..... Pero syempre dahil POV niya ito, may mga cheesy lines nanaman ang binata... haha.. :D)

Shey's POV

Sino ba kasi yang Liza Patricio na yan kay Keith? Kilala ko naman siya. Siya yung gustong gusto yung may mga title te-arts na yan. Pero bakit ba parang feeling ko close sila ni Keith? Kala ko kami kami lang kaclose niya? E sino siya? Dating niligawan? Ex? Mukhang imposible naman kasi ako ang una niyang girlfriend. Pero what if naging sila pero hindi officially dati? Arggghhh.... may hindi ba siya kinukwento sa akin? kasi hindi naman ako makakaramdam ng ganitong tendencies kung wala. Bakit ba pakiramdam ko medyo lumalayo na si Keith? Bakit ganun? Marami pa ba akong dapat malaman sa kanya? Ano bang mga tinatago niya? Kung may problema naman kami, bakit hindi niya sabihin?

Baka napuno na siya sa akin dahil sa pagseselos ko sa kanya? Ako nga dito ang selos na selos na sa kanila kada makikita ko sila. Magkasama kaya sila sa student council. Mas may oras na siya dun. Mas may oras na siyang kasama siya. Kaya niya ba ako nilalayuan? ano ba talagang problema? Hay...

"Keith!" Napalingon ako sa may likod ko. Nakita ko si Liza na lumapit kay Keith... Tinignan naman siya ni Keith at tumingin na ulit sa binabasa niyang libro.

"Tara na sa SC room. Break time na oh. Nandun na din si Vice, sabi niya sumunod na lang daw tayo." Bumuntong hininga si Keith. Kadalasan pag ganitong break time, niyaya niya akong sabay kaming magrecess. Pakiramdam ko nangingilid na ang luha ko. 

"Tara na!" Hinatak siya ni Liza sa braso pagkaayos niya ng gamit niya. Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa kanila. Nagseselos ako. Sobra. SUPER!

Sinundan ko sila ng tingin. Lumingon sa akin si Keith pero umubob na lang ako. Ayokong makita niya kung gaano ako nagseselos sa kanila. Girlfriend niya pa rin naman ako di ba? Pero bakit parang wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya na ' Bati na tayo. Di na kita pagseselosin. Please lang layuan mo na siya.' O di kaya sabihin na 'Selos na selos na ako sa inyo hindi mo pa ba nahahalata? Girlfriend mo pa ba talaga ako?' o ang tanungin kung 'Mahal mo pa ba ako? Bakit ka ganyan?'

Pinigilan ko ang pagluha ko. Kinuha ko ang gamit ko.

"Saan ka pupunta? May klase pa tayo mamaya di ba?" Tinanong ako ni Jon. Tumingin ako sa kanya.

Runner Up's Promise *Season 1 Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon