- Best Friend -
Akira's POV
Naglalakad ako papasok sa gate ng school kasi pinark pa ng drayber ko ang kotse. Nakita ko naman dun sa may labas si Francis na mukhang nakikipaglandiaan nanaman. Hay nako, yan ba ang umagahan mo? Landian sa morning, sa lunch tapos pati ata sa dinner... Talaga nga naman ohoh... Akala mo friendly lang pero ang haliparot na lalaki. Lumapit ako sa kanila na nakita ko namang kinagulat ng nakasandal na si Francis sa pader.
"Akira?" Tumingin siya sa akin ng gulat. Hehehehe.. May naisip ako... Naglakad ako papalapit, kaya gumilid yung mga babae na nakikipagkwentuhan sa kanya. Lumapit ako sa kanya at bumulong.
"What did I told you?" Sabay smirk ko sa kanya. Inabot ko naman sa kanya yung mga hawak kong libro at idiniin ito sa may tyan niya.
"Aaack.." Narinig kong sabi niya.
"Tara na sweetie, malelate pa ako. Kaw naman kasi, masyado kang friendly sa mga linta." Hehehe.. take that girls... At pumasok na kami sa loob ng campus.
"Ang sarap pakinggan pagsinasabi mo yung sweetie. Isa pa nga in your sweetest tone ha." Inakbayan niya pa ako. Tinanggal ko naman ito pero ibinalik niya ulit. Hay wala na akong magawa.
"He! Tigilan mo ako. Saka pwede ba, ang bigat kaya ng braso mo. Di ako patungan noh?" Siniko ko naman siya kaya medyo napaaray siya at napalayo yung katawan niya sa akin.
"Sweetie naman. Ang rahas mo naman sa akin." Pagsasabi niya sa akin ng malambing ang tono.
"Kadiri ka na ha. Gutom lang yan, ikain mo na lang." Inabot ko sa kanya ang isang balot ng cookies. Syempre ako nagbake niyan. Tinignan niya ako tapos yung cookies nagpapalit palit siya ng tingin.
"Oo, sayo yan lahat. Kawawa ka naman kasi. PG ka pa naman." Nagroll ako sa kanya ng eyes ng mapansin kong makakasalubong namin si Fatima kasama ulit as usual si Enz.
Kailan ko ba nakitang naghiwalay ang dalawa na yan? It's like, NEVER.... Hindi niya nga manlang kami naalala kamustahin or lapitan man lang. Mula noong dumating yang si Enz, wala na. Hindi na nagka-oras sa aming barkada niya. Ganyan ba talaga kapag may nanliligaw? Nakakatampo lang. Porket my new friend nilimutan na ang bestfriend niya. HUHUHUHU..... TT______________TT
"Hi Akira." Nakangiti niyang bati sa akin noong nakasalubong namin sila. Napairap na lang ako at nag-iwas ng tingin. Anong magagawa ko sa nakakatampo siya eh. Pagkalagpas nila nagsalita naman ang coockie addict na katabi ko.
BINABASA MO ANG
Runner Up's Promise *Season 1 Completed*
Fiksi RemajaHanggang kailan mo kayang kumapit sa PANGAKO? Gaano mo katagal kayang magkaroon ng matigas na puso tulad ng sa bato? Read. Comment. Vote. Follow. :)