- Sweetie -
Fatima's POV
"Para naman silang F4 ang dating... Pag may gusto sila, naibibigay agad... Humiling lang sila, napagbibigyan agad." Sabi ko kay Enz dahil naalala ko ulit noong nakuha nila yung table ng mga estudyante kahapon. Naalala ko pa kanina noong lumipat si Jake ng upuan.
Tinanong siya nung sir pero isang tingin niya lang dito, pinayagan na siyang lumipat at hindi na naka-imik pa. Oh di ba? Parang si Jun Pyo lang? Ang tapang, tingin pa lang natatakot na sila.
"Siguro dahil malaki ang share ng company nila dito sa school. Isa pa, sila yung successor sa mga bigating companies. Lalo na si Keith na heir ng multi-Euro business empire ng McKnight."
"Kahit na... hindi ba't parang ang unfair naman nun kung yung gusto lang nila ang pagbibigyan ng pagbibigyan?" Tanong ko kay Enz.. medyo nakakaasar kasi minsan.... Actually kay Jake lang naman talaga ako naasar kasi ang suplado! Tapos ang stoneheart pa! kainish.... >___<
"Well, wag na lang tayo mangialam dyan. Kala ko ba friends mo yung tatlong lalaki?"
"Nakakaasar kasi si Jake. Nakakaasar yung ugali niya. Ayaw mamansin sa klase. He's so Grrr..."
"Nikki ng be careful of my heart is that you? hahahaha.... :D" Hinampas ko nga siya...
"SWEETIIIIEE!!! wait for me! Namiss kaya kita..." Kilala ko ang boses na yun ah...
"Shadap! Ang ingay ingay mo. Hindi ka ba nahihiya? Kalalaki mong tao daig mo pa ang babae?! -_____-+" Sabay batok sa kanya ni Akira. Bakit ang sweet nila? Sila na nga kaya? May endearment kasi... Bangayan sila ng bangayan. Minu-minuto, segu-segundo, oras-oras, at araw-araw... pero parang walang paki yung mga Monsters? Aish... hindi pa rin baa kami bati ni Bestie? Hindi pa rin kami nag-uusap eh... Miss ko na yung maingay tulad ko... Halos 1 week na rin kaming ganito...
Akira's POV
"SWEETIIIIEE!!! wait for me! Namiss kaya kita..." Aish.... ano ba yan. Ke-aga aga nag-iingay agad nito sa hallway. Kailangan ba araw araw pagsabihan ko siya?
"Shadap! Ang ingay ingay mo. Hindi ka ba nahihiya? Kalalaki mong tao daig mo pa ang babae?! -_____-+" Binatukan ko nga siya ng isa. Isa lang naman...
"Aray naman! Grabe ka sweetie... Masyado kang showy ng pagmamahal mo sa akin... >3<" Syempre... Crush kaya kita... Ihhhhh! Ang kyut mong magpout.. papisil nga sa pisngi mo.... Pero syempre di ko yun ginawa.
BINABASA MO ANG
Runner Up's Promise *Season 1 Completed*
Teen FictionHanggang kailan mo kayang kumapit sa PANGAKO? Gaano mo katagal kayang magkaroon ng matigas na puso tulad ng sa bato? Read. Comment. Vote. Follow. :)