(J/n: Happy national best friends day! I dedicate this chapter sa lahat po ng magbebest friend on and off po ng net. )
_____________________________________________________________________________
-Lumulubog ka-
"Good morning! Nagdala ako ng umagahan oh." O____O Nagulat ako dahil pagkababa na pagkababa ko papuntang dinner area ay nakita ko ang nakangiting si Enz na may dalang pagkain. What the hell is this?
"Anong ginagawa mo dito?! O___O"
"Sabi ko naman sa'yo manliligaw ako di ba? So ito. Inuumpisahan ko na ang panliligaw sa'yo. Tara na, sabay na tayong kumain."
"Wait a second. Hindi ako pumapayag di ba? Ano ba sa mga yun ang hindi mo naintindihan bata ka?" Naging seryoso bigla ang mukha niya.
"I'm serious on you. Sabihin mo nga, ano bang mabigat na rason kaya ayaw mo? May gusto kang iba? Bata ako? Feeling mo tri---"
"It's not what you think Enz. Kasi ayokong paasahin ka sa isang bagay na sa umpisa pa lang wala ng pag-asa. I'm doing this para din hindi na lumalim pa yang nararamdaman mo sa akin ok?" Pareho kaming naupo.
"Anong ibig sabihin mo? Mamamatay ka na ba?"
"What? Saan mo naman yan nakuha? Hell no. Sa ganda kong ito? Grabe ka naman." Tumawa pa ako para medyo gumaan ang atmosphere. Hindi kasi ako magaling masyado sa ganitong atmosphere. Yung sobrang seryoso?
"Kung ganoon? Ano pala? Bakit hindi mo man lang ako mabigyan ng chance?"
"Because I'm getting engaged." Nagulat siya... At bigla naman siyang tumawa.
"hahahaha... niloloko mo ba ako? Lumulubog ka na. Ang bata mo pa ata para ma-engaged. Nice try Fatima. Pero pinatawa---" I cut him off again.
"Sana nga joke lang yun but it's true. It's an arraged marriage and I don't know who's the guy." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. I was shock.
"Pwede ko pa naman siguro yun mabago right? Hindi naman masamang sumubok. Baka pagna-inlove ka sa akin, baka hindi na yun matuloy di ba?" Kahit anong sabihin niya, I know kung anong sasabihin ng mgaulang ko, it would always be final. I don't have the freedom to love who I want.
"Tigas rin ng ulo mo noh? Once na nakapagdecide na ang parents ko, hindi na yun mababago."
"Just let me try it. Please."
"Hay nako. Ang kulit mo. Basta binalaan na kita. Isa pa ayoko pa naman talaga. Dahil sa studies ko at pagtalo kay Jake ang focus ko ngayon."
Sa School, ayun nanaman ang dating presence ni Jake, The guy with his serious face, with glasses nakasuot ng vest ngayon. Pero unlike past few days na may band-aid pa siya, ngayon wala na. Siguro ok na after 1 week. And I think he's definitely fi----
"Tch..." Napahawak nanaman siya sa ulo niya. And hindi lang yun, why is he moving he's glasses like nalalabuan siya?
"Hoy, baliw. Ayos ka lang?" Kulbit ko sa kanya. Nakaupo kasi siya sa tabi ko dito sa lib.
"None of your business runner up."
"May nararamdaman ka ata. Yung totoo?"
"Wala nga."
"Lumulubog ka. Sinasabi ko na sa'yo. Ngayon pa lang." Nailed it.
BINABASA MO ANG
Runner Up's Promise *Season 1 Completed*
Teen FictionHanggang kailan mo kayang kumapit sa PANGAKO? Gaano mo katagal kayang magkaroon ng matigas na puso tulad ng sa bato? Read. Comment. Vote. Follow. :)