- Twist -
Fatima's POV
1 week na si Jake na tulog. Tulad nung naospital siya ng dahil sa akin dati, lagi rin akong bumibisita ngayon sa kanya.
Daldal ako ng daldal sa kanya kahit alam kong hindi naman siya sasagot at hindi ako sigurado kung naririnig niya ba yun or maalala pagkagising niya.
Lagi kong iniintay siyang magising. Kahit magsungit pa siya or magsuplado sa akin ok lang. I just can't lose him rightnow. May mga aayusin pa kami at lilinawin sa isa't isa.
Another week has passed. Hindi pa rin siya nagigising. Akala ko this christmas party namin masecelebrate na namin ng hindi kami magkaaway. Kaso because of his situation dahil hanggang ngayon tulog pa rin siya, hindi ko siya nakasama. Pero kahit na ganun nandyan naman yung mga friends ko na nagpasaya sa akin. Sina Keith at Shey, niyaya akong sumali sa games.
Si Francis at Akira naman binibigyan ako ng foods. Sina James at Aly naman kinukwento ako ng kinukwento para naman daw kahit sandali lang malimutan kong may Jake na nasa ospital at tulog pa rin na hindi namin alam kung kailan magigising.
Pagkatapos ng party sa school, dito agad ako dumiresto kay Jake. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Enz na nakaupo sa tabi ni Jake. Hindi ko mapinta yung mukha niya. Hindi ko makita kung anong emosyon ang pinapakita niya. Pero ramdam kong nag-aalala siya sa kapatid niya. Lumapit ako sa natutulog na si Jake na hinila ang isang upuan palapit sa kabilang side ng kama ni Jake.
"Tapos na yung christmas party niyo?" Napalingon ako kay Enz. Hindi siya tumingin sa akin. Kay Jake siya nakatingin. I gently comb Jake's hair and anwers his question coldly.
"Uhm uhm..."
"Umuwi ka na muna. Baka napagod ka. Lagi ka pang nandito... dito sa tabi ni Jake. Kahit... hmmm.. kahit hindi mo alam kung kailan siya magigising." Napalingon ako kay Enz. Pagkatingin ko sa kanya, nagkatitigan kami. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko sa kanya. Parang naiinis ako na HAY EWAN!
Umuwi ako sa amin, nahiga sa kama ko at tumitig sa kisame ng kwarto ko habang iniisip kung bakit ba ako naiinis kay Enz?
Wala naman siyang kinalaman kung bakit nabundol si Jake kasi ako at si Jake lang naman ang nandun. Pero hindi naman ito mangyayari lahat kung hindi dahil sa mga sinabi niya. Pero mali, mali talaga na sisihin ko din siya dahil nasa sa akin naman yun kung maniniwala ako sa lahat ng mga narinig ko. Thinking of it, I felt like I amm being torn apart dahil alam kong ako ang dahilan kaya yun nangyari sa taong mahalaga sa akin.
Then after 2 days a shocking news made my eyes open kahit puyat ako kagabi. Yung tipong yung nanliliit kong mata ay napamulat talaga ng sobrang laki pagkatapos ng tawag ni Akira sa akin.
BINABASA MO ANG
Runner Up's Promise *Season 1 Completed*
Teen FictionHanggang kailan mo kayang kumapit sa PANGAKO? Gaano mo katagal kayang magkaroon ng matigas na puso tulad ng sa bato? Read. Comment. Vote. Follow. :)