- Bullies! -

517 11 0
                                    

- Bullies! -

Fatima's POV

Wala pa namang gulong nagaganap pagkatapos ng naganap kahapon. Pagkarating ko sa room, nakita kong pumasok si Keith. Pero sa sobrang aga niya for sure, wala pang nakakita sa kanya.

"Keith ang aga mo para bukas ah."

"Haha! Not at all."

"Naglalaro ka ng chess?"

"Kinda. Kaso walang makalaro." Taka ko lang, bakit hindi siya magyaya sa ibang estudyante. Ay, hindi nga pala siya masyadong friendly. Biglang dumating si Jake.

"Keith, playing alone?"

"Not at all. By the way may naisip na ako." Kaya naman lumapit sa kanya si Jake tapos may binulong si Keith. Ano kaya yun?

"Lovey Jake! Samahan mo akong magbreakfast I haven't eat pa kasi." Sino pa nga ba? e di si Tricia... Si Jake hindi pinansin si Tricia. Ay snob ang beauty ng lola niyo. Hahaha...

"Lovey, Please."

"I'm busy. Magbreakfast ka na lang mag-isa." Then lumabas na sila ni Keith. Saan kaya sila pupunta?

Jake's POV

Pagkarating ko naabutan ko si Keith na naglalaro ng chess mag-isa.

"Keith, playing alone?"

"Not at all." Isa lang ang ibig sabihin niyan. May pinaplano naman siyang sorpresa or let's say 'TRIPPINGS'.

"By the way may naisip na ako." Oh, sabi naman sa inyo. Lumapit ako sa kanya para maibulong niya sa akin. Well, ang pangbubully namin, if that's what Akira think, we do it for a purpose.

Pagkatapos kong marinig yung plano sa C.R. I think that's embarassing. Tamang-tama naman at lagi yun napuntang C.R bago magklase. Tumango ako sa kanya. Lalabas na sana kami noong biglang may tumawag na 'LOVEY'. Whaat an endearment. Psh... Ano pa bang magagawa ko kung siya ang magiging fiancee ko?

"Lovey Jake! Samahan mo akong magbreakfast I haven't eat pa kasi." Hindi ko siya pinansin tapos nagdiretso lang kami ni Keith sa may pintuan pero nahawakan niya yung sleeves ko bago pa ako makalabas.

"Lovey, Please." LOVEY...-____- Hindi naman ako lobby.

"I'm busy. Magbreakfast ka na lang mag-isa." Then tinanggal ko ang kamay niya. Bigla naman namin nakasalubong si James kaya hindi na siya tumuloy sa room at sumama na sa amin.

Umalis kami sakay sa sasakyan ni James. Pumunta kami sa isang store. Bumili kami ng feather at dilaw na pintura. Isinama na namin ang baldeng paglalagyan pati iba pang kakailanganin. Habang nagbabayad si James nagpaalam si Keith na pupunta sa may naghehena. Ano naman kaya sumapi dun at magpapatattoo?

Runner Up's Promise *Season 1 Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon