- Tatlong 3pts -

563 10 0
                                    

- Tatlong 3pts -

Akira's POV

Nagbabasketball si James sa gym kaya niyaya ako ni Aly. Nagpunta naman ako dahil sabi niya wala naman daw praktis ang varsity. Maglalaro lang daw si James. Hindi kasi ako pumayag noong una kasi akala ko may praktis ang varsity nila. Ayoko pa namang makita muna ang bading na pugo na iyon. Naghahanap pa ako ng lakas ng loob para ituloy yung plano ko.

"Babe!" Sigaw ni James kay Aly pagkapasok namin dun sa Gym. Tahimik lang naman akong umupo sa bleachers. Pinanuod ko lang sila. Kalaro pala ni James si Jon, si Keith at Jake. Ok naman na kaming lahat. Kinalimutan na ang issue na ginawa ni Jon dati. Nalaman ko nga kay Shey na after 1 year, inamin na may nahulog pala siya kay Shey ng hindi niya namamalayan pero syempre hindi na niya ginulo yung dalawa. Bakit kaya wala dito si Shey? Andito ang fafable niya ah? Dapat sinusuportahan niya.

"Go Jon! Kaya mo yan! Talunin mo si KEITH!" Bakit chinicheer ni Shey si Jon at hindi si Keith? Tinignan ko si Keith at Jon. Nagwink si Jon at nagthumbs up kay Shey. Si Keith, hindi ko kita sa mukha niya ang pagseselos. Di niya nga pinansin ang pagchicheer ng girlfriend niya para sa iba at sa minsan pang muntik umagaw nito sa kanya though hindi pa naman sila noon.

"Go fafa Jon! Talunin mo yang Keith na yan!" Lalo pang nilaksan ni Shey ang pagchicheer. Pinagseselos niya ba si Keith? Kung ganoon, waepek! hahaha...

"Sure ka? Tatalunin ko talaga ang boyfriend mo? Yakang yaka ko naman siya kaya hindi na ako magtataka pagnatalo ko siya ha."

"Sige! Go! Libre pa kita pagnanalo ka sa kanya." Ano? Pumapayag talaga siya? I can't believe it. Si Keith naman, inayos ang wristband niya. Hindi ba siya naiistorbo ng presensya ni Shey? Speaking of istorbo, napansin kong medyo napakunot yung noo niya habang pumosisyon na. Naiirita na siguro. Bigla niyang hinagis yung bola sa nakatalikod na si Jon.

"OK, Game na. Nag-iinit ka na ata brad." Nagsmirk naman si Keith na parang nang-aasar sa sinabi ni Jon. May binabalak kaya si Keith at Jake? Sila kasi ang magkakampi samantalang si Jon at James naman. Hahaha... Ang galing lang, mga J ang umpisa ng names nila parang kay author lang. Dahil apat lang sila, halfcourt lang sila. Syempre naman, natural. Pinaubaya nina Keith ang bola kina James. Kaya ang first possesssion ay kina James. XD

Si James ang may hawak ng bola. Pinatalbog ni James ang bola at nilusutan ang dipensa ni Jake. Shinoot niya pero niluwa ng ring ang bola. Nasa ilalim ng basket si Keith at Jon pero bakit ganun? Pinabayaan lang ni Keith na makuha Jon ang bola?

"Shoot mo na yan Jon! GO GO GO!" Sigaw ni Shey pagkarebound ni Jon sa bola. Hindi pa naipupwesto ni Jon ang kamay niya sa pwestong magshohoot na ay naagaw agad ito ni Keith. Nagulat naman si Jon sa ginawa ni Keith.

Runner Up's Promise *Season 1 Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon