- Pair of glasses -
Fatima's POV
WAHHHH!!! Konting push na lang, malapit na ulit ang bakasyon! YAY!!! HAHAHA...
*Boghssss* Awww .___________. Ano ba yan, ang ganda ganda ng araw ko tapos may babangga lang sa akin ganun? Napalingon ako dun sa direksyon kung saan patakbo yung babae. Hindi man lang naisip magsorry e.
*Boghsss* Ano ba yan? Ano ba talagang meron dun at takbuhan sila ng takbuhan papunta dun? may artista ba kaya hindi na nila maisipang magsorry manlang sa nababangga nila? Nandyan ba si Adam Lavine? O baka naman ang 1D? 5sos? Ano bang meron? nandyan ba si Mario Maurer? Bakit ganun na lang sila magkagulo?
Dahil sa sobrang naiintriga ang aking isipan.. Woohh... tagalog na tagalog! Nose bleed mga bakla. HAHAHA.. Kaya ako'y nagtungo sa direksyon ng mga babaeng nagkakagulo. Nakipagsiksikan ako para lang malaman kung ano bang meron dito? Sa pakikipagsiksikan, nakita ko rin sina Mica at Hino.
"Anong ginagawa niyo dito?" Sabi ko sa kanila. Sila naman binigyan ako ng nagtatakang mukha.
"Ikaw, anong ginagawa mo dito? Di ba may Jake ka na?" Pag-uusisa ni Mica sa akin.
"Naiintriga kasi ako kung anong meron dito at nagkakagulo ang mga babae." Napatingala ako sa itaas ng pintuan. Student Council room? Huh? Seryoso? Ano ba talagang meron dito?Biglang bumukas yung pintuan ng pinto at lahat kami ay napatahimik. Lumabas ang isang lalaki na bagsak ang buhok, matangos ang ilong, makinis ang mukha, mahaba ang pilik mata at medyo light brown ang mata tapos medyo chinito. Sino siya? kung hindi ang mahal kong fiance. Anong meron bakit siya pinagkakaguluhan? Kasi kitang kita ngayon ang kagwapuhan niya dahil wala ang salamin niya. Basang basa ko ngayon sa mukha niya ang pagkagulat ng makita niya ako.
"Can you guys keep quiet? We are having a meeting inside. So shut your mouths.=_____________=" Pagkatapos ay pumasok na siya sa loob. Seryoso pa rin siya. Pero bakit kaya wala siyang suot na salamin? Nakakaintriga itetchiwa. Dapat sa akin lang siya nagpapakita ng kagwapuhan niyang katulad nun.
BINABASA MO ANG
Runner Up's Promise *Season 1 Completed*
Fiksi RemajaHanggang kailan mo kayang kumapit sa PANGAKO? Gaano mo katagal kayang magkaroon ng matigas na puso tulad ng sa bato? Read. Comment. Vote. Follow. :)