- Enz + Fufu = AWESOME DAY -
Pagkagising ko, bumangon na ako at ginawa ang mga morning rituals. Hindi ako umuwi sa amin kagabi. I head dito sa tambayan. Yep, I spent my night here. Kumpleto naman ang gamit dito since para na naming bahay ito. Pumunta na ako ng kusina at nagluto...
"Jake, ano bang pagkain natin dyan?" Huh? Boses yun ni James ah. Kala ko umuwi yun? Ang aga niya naman dito sa tambayan?
"Omelette. Bakit?"
"Pahingi ako ha! Hindi pa ako nakakapagbreakfast." Sigaw niya mula sa sala... tsss... ang tamad magluto mag-isa...
Fatima's POV
"ENZ?" Nagulat ako noong makita ko siya sa may circle.
"HI!" Mukhang nagjajogging nga siya... Nakaearphones pa... May part kasi dito na pwedeng magjogging tapos meron ring part na pwedeng magbike..
"Ahmmm...nga pala Fatima, tungkol dun sa nangyari sa party kagabi... Ano... Ah... Pasensya na..." Dagdag niya.
"Sus! Wala yun! Nabad mood na rin ako dahil sa inasal ni Jake. Ano ba kasing problema nun?"
"Hehehe... Yaan mo na yun. ^___________^" Ayan nanaman yung ngiti niya. Hay....
"Ahmmm.... Aso mo? Ang kyut naman..." Bati niya kay fufu... ang wafu kaya ng aso ko.. di lang siya kyut... Hinimas himas naman ni Enz ang balahibo ng aso ko.
"Pwede bang sumama sa paglalakad-lakad niyo?" Tumango na lang ako sa kanya.
"Di ko expect na ganito ang magiging date natin dito sa circle..." Sabi niya... Nagulat naman daw si Ako.... Date?
"HOY! Anong date ka dyan?! Sinong may sabing date ito?" Tanong ko sa kanya with matching taas ng kilay....
"Arf arf arf..." Tahol naman ni fufu... Why so wafu?! Di tuloy ako makapagtaray...
"Ayan, sabi niya date daw oh..."
"Kailan ka ba nakaintindi ng dog language? Aso ka rin ba dati?!"
BINABASA MO ANG
Runner Up's Promise *Season 1 Completed*
Teen FictionHanggang kailan mo kayang kumapit sa PANGAKO? Gaano mo katagal kayang magkaroon ng matigas na puso tulad ng sa bato? Read. Comment. Vote. Follow. :)