-Welcome Party-
Fatima's POV
It was 1st week of April when news about the arrival of the M. Dining Group Chairman spread.And those rumors ay napatunayan noong may dumating na isang color black invitation na naglalaman tungkol sa welcome party para sa Chairman. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit tinaggap ni dad ang imbitasyon?
For the party ngayong gabi, I choose a simple white dress na batay sa black and white theme ng party and nag-3 inch heels ako.
Habang nagme-make-up biglang tinawag na kami ni mom from downstairs.
"Fatima, Jeremy. We need to go!"- Sigaw ni Mommy downstairs kaya lumabas na ako ng kwarto na saktong paglabas din ni Jeremy.
Ang kapatid ko sobrang gwapo, Sana ganyan din kagwapo at kamatipuno ang napili nila mom pero sana hindi naman sila pareho ng ugali dahil lugi ako nun..
"Sis, you're drooling."
"Yabang nito!" Sabay hamapas kay Jeremy at bumaba na kami ng hagdan. Pero hindi agad kami lumakad dahil inaupo muna kami ni dad.
"Pagkarating natin doon, batiin niyo agad si Mr. and Mrs. Marcos." Pagbibilin sa amin ni Daddy.
"Daddy, bakit ba kailangan pa nating pumunta dun? Pwede namang hindi right? Lalo na't kalaban natin sila." Pag-uusisa ko. Nakaka-curious kasi.
"Honey, ang hirap kasing iexplain. Pero siguro parang paggalang na rin natin sa Chairman dahil kahit kalaban natin sila ay inanyayahan niya pa rin tayo. And dahil doon mo makikilala ang Fiance mo Fatima."Sagot sa akin ni daddy na medyo napakamot pa sa ulo.
Bakit mukhang excited sila? Ako never kasi naman hindi pa ako ready and kung papipiliin ako, masgusto kong ako ang maghanap ng guy for me kesa sila. If totoo na ngayon ko na nga siya makikilala, I guess, hindi talaga kami ni Enz pwede at hindi talaga ako malayang magmahal ng taong gusto ko. Kahit unti-unti, kahit papaano. Sa mga ginagawa niyang simple gestures, mga simpleng pag-alala niya sa akin. Nakakaramdam na ako na parang may mga lumilipad na mga paru-paro sa tyan ko kapag nararamdaman ko ang presensya niya. Parang, unti-unti nagkakagusto na ako sa kanya.
Siguro, oo. Medyo umasa ako na baka pwede kami pag nahulog na talaga ako sa kanya kaso kailangan kong pilitin na huwag at pigilan kung ano man ang nag-uumpisa ko ng maramdaman dahil sa huli, ako lang din ang mahihirapan, magpapakomplikado at masasaktan. Dahil umpisa pa lang ng kwento ng buhay ko, wala na akong kalayaan na pumili ng mamahalin.
BINABASA MO ANG
Runner Up's Promise *Season 1 Completed*
Ficção AdolescenteHanggang kailan mo kayang kumapit sa PANGAKO? Gaano mo katagal kayang magkaroon ng matigas na puso tulad ng sa bato? Read. Comment. Vote. Follow. :)