-7/11 (Part 1)-
Fatima's POV
"Jake, this saturday ba yung lunch together ng families natin?" Tanong ko kay Jake na busy habang kaharap ang laptop niya. Minsan nakakaselos na 'yang laptop niya. Mas matagal niya pang titigan kesa sa akin. Tapos kapag kausap ko hindi man lang ako malingon. Kainis lang.
"Yeah, why?"
"Wala naman. Naisip ko lang. Sige aalis na ako. Busy ka yata." Tumayo na ako dito sa may sofa niya sa may sala. Inayos ko na yung damit ko, makagala na lang. Ayokong makaistorbo sa busy.
"Aalis ka na agad? Kakarating mo lang ah." He look up to me. Finally, tinignan na ako.
"Yeah? Ayoko kasing makaistorbo sa busy."
"Hindi mo naman ako naiistorbo. Wait, just stay put there. I'll just get this done." Umiling na lang ako sa kanya. Ayoko namang madaliin niya yung ginagawa niya dahil sa akin. I know that he's serious when it comes to business.
"No Jake. I'll just leave. I'm fine, don't worry. I know naman na importante yan, ok?" Ngumiti na ako sa kanya tapos umalis na. Hmmm... Saan ako ngayon pupunta? I definitely have no idea at all.
Habang naglalakad-lakad, napansin ko yung 7/11. *Q* Bigla akong nagcrave sa slurpee. Yung Lychee? hmmmm... *Q*
Pumasok ako sa loob tapos kumuha agad ako ng slurpee saka nagbayad sa may counter. Hmmm.... *Q* Bumili na din ako ng cheese hotdog since nandito lang din naman na ako, kumain na ako. Then, nagpunta ako sa isa sa mga table nila. Habang kumakain ako, bigla kong naisip yung lunch sa sabado. So does it mean na kasama din namin dun si Enz? Kahit anak siya sa labas, kapamilya pa rin nila siya. Pwera na lang kung ayaw ni Jake. Hmmm... Sometimes I don't get kung bakit hindi pa rin magawang magkabati ni Jake and Enz. Well, si Jake lang naman yata ang galit kay Enz kasi si Enz parang hindi marunong magalit.
BINABASA MO ANG
Runner Up's Promise *Season 1 Completed*
Roman pour AdolescentsHanggang kailan mo kayang kumapit sa PANGAKO? Gaano mo katagal kayang magkaroon ng matigas na puso tulad ng sa bato? Read. Comment. Vote. Follow. :)