- Month Month -
Shey's POV
(J/n: well, magkakaroon pa rin ng ilang appearances sina Shey dito para naman updated tayo. Tinatamad kasi akong gumawa ng book 2 kasi parang wala ako masyadong mailalagay doon kaya isisingit ko na lang sila.
The more the merrier naman di ba? Yun yung konting pagbabago na ginawa ko dito sa 1st Half?. Hahaha... Kaya may 2nd half pa po itong RUP...Makijoy ride na lang kayo... hahaha... )
Hindi kami ngayon magkakasama na naglunch. May binalak kasi si James. Ewan ba dun. Napansin nga namin na hindi nagpapansinan si Akira at Fatima. Hindi rin nasama sa amin si Fatima. Buti na nga lang at naiisipan pa ng bruha na ikontak man lang kami kahit papaano sa cp kung hindi kinalbo ko na siya. Porket may boylet nakalimot na ng friends? Aba aba!
Speaking of Boylet, nasaan ba si Kei? Pinagluto ko pa naman siya ng lunch ngayon kasi monthsary namin. Hehehe.. Tagal na rin namin. Like pang 1 yr and 6 months na namin ito? Hindi ko na namalayan na ganun kami katagal kasi kung may dumaan mangproblema, nasosolusyonan naman namin agad kaya NO PROBLEMA... hahaha... Kahit na madalas niya pa rin akong asarin minsan.
Pero syempre hindi ko rin maiwasan na maisip kada tinitignan ko itong singsing na binigay niya sa akin kung makakaabot kami sa FOREVER or baka matulad lang kami sa iba na sa una lang masaya, pero nauwi sa OVER.
Calling Kei <3........
Hahaha.... oo may heart na ngayon yung Kei... Nakita niya kasi dati kaya dinagdagan niya yung heart. Dati nga Monster pa yan pero pinabago niya. Ang choosy pa ano? Kala mo sa kanya yung phone... Nagmaktol pa siya niyan na parang bata pero syempre ang kyut niya naman... hahaha...
"MONSTER! ANO NA?! Asan ka ba?" Tanong ko sa kanya na medyo pasigaw pa. Kasi naman, pag-intayin daw ba naman ang babae? Naitext ko na sa kanya an kaninang umaga eh. Hindi ko pa nga siya binabati. Syempre siya dapat mauna.
[Chill... May nakakita daw sa'yo dyang tulala ah. Iniisip mo ko?] O/////////O Bakit ganun? Hindi ko pa rin maiwasan ang hindi makadama ng pag-init ng mukha ko...
"ASSUMERO! Hindi kita iniisip! Teka, alam mo ba ang araw ngayon?" Narinig ko siya na parang nag-iisip.. Really? Nakalimutan niya? Talaga? Totoo ba ito?
[Ahmmm...Friday... Bakit?] Like duh???? 29 ngayon! Monthsary po natin!
"Anong date ngayon?" Don't make me feel disappointed please?
[It's 29. Why? Does it have an occasion today?] Kaasar ka! Napapout tuloy ako bigla. Nakalimutan na siguro niya talaga. Busy kasi siya sa pagtulong sa bestfriend niya... *Sigh*
BINABASA MO ANG
Runner Up's Promise *Season 1 Completed*
Teen FictionHanggang kailan mo kayang kumapit sa PANGAKO? Gaano mo katagal kayang magkaroon ng matigas na puso tulad ng sa bato? Read. Comment. Vote. Follow. :)