- Abses or Tabs -

782 15 0
                                    

- Abses or Tabs -

(J/n: Dedicated to purple_angel26... Salamat sa pagsama sa akin manuod ng DNP! hahaha.... mamimiss ko yung last movie date nating magpipinsan...Ingat dyan.. :D)

YESH! TAPOS NA ANG 1st sem! Nakita ko nanaman si Enz na iniintay ako sa labas ng campus. Bakit naman kaya ngayon?

"Hey!" at nagwave naman siya sa akin.

"Oh, bakit nanaman?" Tanong ko sa kanya.

"Ano ba yan? Parang ayaw mo akong makita. Nakakatampo. May nanliligaw pa ba sa'yo dyan bukod sa akin? Makalipat na nga dyan... >_____________<"

"Para ka talagang bata. Sira! Hindi nga ako nagpapaligaw di ba?" Tumango-tango naman siya na parang yung aso sa sasakyan na gumagalaw yung ulo.

"Hindi nagpapaligaw? Anong tingin mo sa akin? :P" Sige, dila pa. Hilahin ko kaya yan.

"Sa'yo? Bata... FYI... Ikaw nagpumilit, tigas ng ulo mo!" Sabay irap sa kanya.

"So galit ka na niyan? Hindi obvious." Hinampas ko nga siya. Ganito ba ito manligaw? Para talagang bata. Tinitrip lang ata talaga ako nito.

"So ganyan ka manligaw? Bahala ka na nga dyan. Tsk, ano babag!" Tapos ko sa kanyang magbanta ng siga-sigaan ko. Sumakay na ako sa likod ng sasakyan ng sumakay rin siya. Aba't!

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!~__________________-" Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Ihahatid ka. Teka, wag ka ng high blood. Bati na tayo..." Nagsmile siya sa akin... Bakit ganun? Ang unique ng smile niya. Naglaho bigla yung inis ko kanina?

"Fine. So bakit ka nga nagpunta sa school ko ngayon?"

"Una, gusto kitang makita. Pangalawa, Gusto kitang makita. Pangatlo, Gusto kitang makita. Pang-apat, Gusto kitang makita. Panglima,-----*asfghjkl*" Wala na kayong naintindihan noh? Tinakpan ko na kasi yung bibig niya. Paulit ulit kasi.

"Yung totoo? Sasabihin mo o sisipain kita palabas ng sasakyan ko?" Seryoso akong nagtatanong sa kanya...

"Ok, Una, Gusto kitang makita." Sinamaan ko siya ng tingin... Napalunok naman siya. Wag lang talaga siyang magkakamaling ulitin ang dahilan niya, sisipain ko talaga siya.

"Pangalawa, Namiss kita. Pangatlo, hmmm... wait iisipin ko lang."

Runner Up's Promise *Season 1 Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon