KABANATA 17

1.9K 45 0
                                    

NAGISING ako ng may maramdamang halik mula sa leeg ko, marahan kong binuksan ang mga mata ko at mukha naman kaagad ng asawa ko ang bumungad sa paningin ko.

napahawak ako sa mga matitipunong bisig nito at bahagyang naitulak, naweweirduhan lang ako sa ginagawa niya, " WE'RE HERE! " paos ang boses nito, naisip ako  kung papaano niya ako gisingin.

sa paraan pa talaga ng paghalik niya, hindi naman ako tulog mantika kahit nga gisingin niya lang ako sa paraan ng boses niya magigising ako agad.

Tumingin ako sa labas at nakiramdam sa loob ng eroplano at kompirmado ngang nandito na kami.

nang maitulak kona si lazaros mabilis akong umupo bago siya balingan ng tingin, base sa mukha niya ngayon parang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko, oo nga pala wala akong karapatan magprotesta sa kong anong gusto niyang gawin sakin.

ano naman ang magagawa ko? kontrolado niya ako sa mga bagay na kahit labag sa loob ko!..kahit ayaw ko wala akong magawa dahil kapag umangal pa ako rin ang mapaparusahan.

hawak niya ako.

napakagat labi ako at napayuko ng hindi na naman maganda ang mood nito, " I'M--I'M SORRY! " panghihingi ko ng paumanhin, kapag alam kong hindi niya nagugustuhan ang mga ginagawa ko mabilis akong humihingi ng paumanhin sa kaniya, palagi nalang bang ganito?

parang wala na akong karapatan magdesisyon sa buhay ko!

parang natanggalan na ako ng karapatan!

naramdaman kona lang ang pag angat ng mukha ko sa pagkakayuko kanina, hinawakan niya ako sa panga medyo hindi naman ako nasaktan sa paraan nayon, hindi ko alam kong namamalik mata lang ba ako sa nakita ko.

ibang iba ang ekspresyon ng mukha niya ngayon parang hindi nakakatakot tingnan kompara kanina na halos lamunin na naman ako ng takot, peru ngayon parang malambot siya ngayon. Ang bilis niyang magbago ng ugali!

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kong bakit naawa ako sa kaniya, marahil dahil sa isipang baliw na nga siya, paano masusulusyonan ang lahat ng ito kong patuloy lang siyang kinakain ng galit .

Kong ako lang ang masusunod marahil matagal kona siyang naipagamot.

CONTINUATION

Mas pinipili kopa rin ang nakakapagpasaya sa kaniya at hindi puro galit ang naigagawad niya sakin, ang isang bagay na gusto niya ay iyong ikaw na mismo ang nauuna sa kong ano ang gusto niya.

peru paano kong may mga bagay na hindi ko magawa tulad ng gusto niyang gawin sakin?

nakakapagod din pagmalupitan niya, nakakapagod din mag tiis, peru sa isang bagay na gusto niya kahit labag sakin mananatili din akong magiging sunod-sunuran sa kaniya lalo pa't nagiging matatakutin ako sa mga banta niya sakin at sa mga mahal ko sa buhay.

" HANGGANG KAILAN KA MAGTITIIS? "

naalala ko tuloy ang tanong ni lizza sakin noon, hanggang kailan nga ba ako magtitiis,?, marahil ang iniisip niya ay hindi ako napapagod, nakakapagod nga peru ang madalas kong ipinapakita sa kaniya ay iyong matatag ako na kahit ilang beses pa akong saktan at pagmalupitan ng asawa ko ay hindi ako magpapadaig sa kaniya.

Bahagya akong umisog sa tabi niya at kahit takot ay hindi kona ininda iyon, marahan kong hinawakan ang magkabila niyang pisngi at nakangiting pinagmasdan ang mala anghel nitong mukha.

napaka-amo ng mukha niya kaya halos ng kababaehan ay hindi mapigilan mamangha at mahulog ang loob sa kaniya, minsan iyong mga lalaki nagiging bakla kapag nakikita siya sa tv o kaya sa personal.

May nakilala na ako ng ganon, kaklase ko siya noon lalaking lalake siya peru nong time nayon fiance kona si lazaros lahat ng boung campus ay mangha sa kaniya iyong iba idolo siya at ginagaya pa ang hairstyle ng buhok ni lazaros.

hindi rin nakatakas sakin ang pagmalupitan ng mga schoolmate ko.dahil sa inggit at selos nararanasan kong ma-api.

sana kasing amo ng mukha niya ang pag-uugali niya, bakit ba kase salungat sa mukha ang ugali niya? oo noon hindi naman siya ganito kalupit ng subra, aaminin kong nasisigawan niya ako dahil maraming lalaki ang lumalapit sakin noon mga kaklase ko na kaibigan kona rin.

peru ngayong sumubra na.

" I LOVE YOU! " nakangiting anas ko, parang mas lalong lumambot ang ekspresyon ng mukha niya ngayon, marahan kong hinagkan ang labi niya ng sa ganon maging good mood siya palagi.

sana nga panghabang buhay siyang ganito.

" LET'S GO?..HUWAG DITO SA BAHAY NALANG MAMAYA!OKAY? " aaminin ko man na ayaw ko, peru nasa akin din ang kontrol kong magagalit siya o hindi, kapag naibigay ko kong ano ang gusto niya nagiging mabuti naman siya sakin.

Minsan kase wala ako sa mood at gawin ang gusto niya, kahit nakailang protesta ako at pigil sa maaari niyang gawin wala parin pala akong mapapala dahil sa huli siya parin ang wagi.

MY HUSBAND OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now