KABANATA 30

2K 42 0
                                    

MICA POV

HINDI ko alam ng lubos kong ano ang nangyayari sakin, parang sumasama minsan ang pakiramdam ko.

madalas nahihilo ako at biglang nalang sasakit ang ulo ko.

natatakot ako na baka may sakit na nga ako tulad ng inaakala ni lizza!
Parang gusto ko nalang matulog ng boung magdamag, parang lagi nalang akong inaantok at mabilis din mawalan ng gana.

nakakahiya tuloy sa mga pinsan ko, sasabihin pa nila na para akong prinsesa dito sa mansyon nila na walang ginawa kundi ang humilata sa kama, parang wala akong kwenta.

yan ang madalas kong naiisip nong nasa puder pa ako ng asawa ko, wala akong kwentang asawa, sariling kaligayahan lang niya ang iniisip niya, ni minsan hindi ko maramdaman na mahalaga ako sa kaniya.

napasinghap ako ng maramdaman ang agos ng luha ko, umiiyak na naman ako!..iwan koba peru kapag naaalala ko ang dinanas ko sa kamay ng asawa ko namamalayan kona lang na umiiyak na pala ako.

naaawa ako sa sarili ko, peru heto naman ang kapalaran ko ang maging isang babaeng basta basta nalang mararanasan ang mala-impyernong buhay.

" MICA BAKIT KA UMIIYAK? " tanong ni ate zuka, hindi ko napansin na narito pala siya sa kwarto ko.

mabilis kong pinunasan ang luha ko at napaiwas nalang ng tingin sa kaniya.
" MAY PRIBLEMA BA MICA? "
" SO-SORRY ATE ZUKA, NAALALA KO LANG SINA MAMA " tanging sambit ko, masuyo nitong hinawakan ang kamay ko sabay titig sakin.

" ALAM MO MICA, MADALAS KITANG MAKITANG MALUNGKOT AT BASE SA MUKHA MO HALATANG MAY MALAKI KANG PROBLEMA NAPAPANSIN KO YON!" napayuko ako sa sinabi niya.

" MICA GUSTO KONG MALAMAN ANG TOTOO!..KILALA KITA, ALAM KONG MAY PROBLEMA KA..MAAARI MO BANG SABIHIN IYON BAKA MAKATULONG PA AKO SAYO! " mababang boses niyang anas.

" ALAM KONG MAY DAHILAN KA KAYA KA PUMUNTA DITO, ALAM KO NA HINDI KAYA NG ASAWA MO ANG MAWALAY SA TABI MO, PERU BAKIT KA NAKAPUNTA DITO NG HINDI SUMASAMA SI LAZAROS?..OKAY LANG BA TALAGA SA ASAWA MO NA DITO KA MUNA TITIRA? "nahigit ko ang hininga ko sa mga katanungan niya.

" A-ATE ZUKA, SA TOTOO LANG TUMAKAS AKO! " ang akala ko magugulat siya peru hindi iyon ang inaasahan ko.

" IYONG TUNGKOL SA BALITA? " diretso akong napatingin sa kaniya, so nakita niya pala ang balita sa bagay baka boung mundo ang nakakita non.

" OO ALAM KO ANG TUNGKOL SA BALITA, PINALABAS MO LANG BA NA PATAY KANA?..MICA IYON DIN ANG DAHILAN KAYA NAGTATANONG AKO SAYO NGAYON KASE MASYADONG NAGUGULUHAN NA KAMI NI ROSE,, AAMININ NAMIN NA NAGULAT KAMI PERU ALAM NAMIN NA MAY DAHILAN KA KAYA KA NAPARITO! " tumango tango ako sa sinabi niya at napabunting hininga nalang.

" ATE ZUKA TULUNGAN MO AKO!..KAYA KO NAGAWA ITO DAHIL SA ASAWA KO! NAKAKAPAGOD NA ATE! SAWANG-SAWA NA AKO SA PANG-AALIPUSTA NIYA SAKIN, SINASAKTAN NIYA AKO ATE! " napahagulgul ako sa pag-iyak, kita ko ang pag-kaawa nito at mabilis akong niyakap.

" SHHHH!..MICA NAIINTINDIHAN KITA! TAHAN NA!" pag-aalu niya sabay hagod sa likod ko, para siyang si ate shin, kapag may problema ako madali nila akong maintindihan kaya nagpapasalamat ako dahil may pinsan ako na subrang bait sakin.

HALOS dalawang oras kaming nag-usap tungkol sa naging buhay ko habang nasa puder ako ng asawa ko, at kita ko sa emosyon niya ang pagkalungkot tungkol sa naging karanasan ko, hindi siya makapaniwala na ginawa iyon ni lazaros sakin.

bawat storya na na naimumulat ko tungkol sa buhay ko nadadala rin siya sa emosyon ko, napapaiyak din ito. Pakiramdam ko nong nasa kamay pa ako ng asawa ko parang nag-iisa nalang ako sa buhay, peru ng dahil kay lizza siya ang tumutulong para hindi ako mawalan ng pag-asa.

siya ang naging pamilya ko habang dinaranas ang mga matitinding kalupitan ni lazaros.

ngayon alam na ni ate zuka ang lahat parang napanatag narin ako, malaki ang tiwala ko sa kaniya.
At alam kong matutulungan niya akong magtago sa asawa ko.

THIRD PERSON POV

walang nagawa ang apat na magkakaibigan upang pigilan si lazaros na ngayon ay abot-abot ang pagtungga ng bote ng alak.

Hindi na mabilang ang bote na nakalapag sa lamesa dahil sa subrang lakas niyang uminom.

wala silang magawa dahil alam nila ang pinagdaanan nito tungkol sa pagkawala ng asawa ni lazaros, gustuhin man nilang suwayin ito peru natatakot din sila.

bagamat hindi naman ito nagpapakita ng matinding emosyon, ni minsan hindi nila nakitang umiyak ito sa libing ng kaniyang asawa.

kumbaga nasaloob lang niya dinama ang sakit, na hindi kailangan ilabas ang emosyon na namutawi sa kaniya.
nang hindi na matiis ni ace ang subrang kalakas nitong uminom, sinubukan niyang sumuway at mabilis na hinablot ang bote peru nagbabanta siyang tiningnan ni lazaros.

" LASING KANA LAZA- "

" F*CK I'M NOT DRUNK! " sigaw nito sabay hampas sa lamesa, hinawakan ni tristan ang kamay ni ace sabay kuha sa bote at agad na binalik kay lazaros.

" HAYAAN MONA NATIN SIYA! KAILANGAN NATIN INTINDIHIN SI LAZAROS! " bulong ni tristan kay ace, walang nagawa si ace kundi panoorin ulit si lazaros na walang tigil sa kakainom ng alak.

Hindi nalang nakisawsaw ang dalawa na si jerick at darren bagkos abala ito sa mga babae na tudo kong makadikit sa katawan nila.

may nagtangka pang lumapit na babae kay lazaros peru napahiya lang ito sa huli.
nagulat pa ang lahat dahil sa pagtulak ni lazaros sa babaeng bayaran kaya napaupo pa ito sa sahig, agad na sinenyasan ni tristan ang babae na umalis ito sa harapan ni lazaros mahirap na baka masaktan pa niya ang babae.

UMABOT sa punto na bumagsak ang katawan nito dahil sa matinding kalasingan kaya hinatid na lamang ni tristan si lazaros sa bahay habang ang tatlo naman ay nagpa-iwan dahil sa mga babae nilang kasama.

" I WANT MORE WINE TRISTAN! " lasing nitong anas kay tristan habang inaalalayan itong pumasok sa loob ng kotse.

" NO! YOUR DRUNK LAZAROS AT KAILANGAN MO NG UMUWI! " sagot niya, mabuti nalang tumigil din ito at agad na nakatulog.

SA kabilang banda naman, hindi makatulog ng maayos si lizza dahil muli naman siyang nag-alala sa kalagayan ng kaniyang kaibigan, pati ang dalawang pinsan ni mica ay nag-aalala din.

bigla na naman itong nahilo at nawalan ng malay kaya hindi narin nagdalawang isip si zuka kundi ang dalhin si mica sa hospital, bigla din itong nilagnat at tila walang ganang kumain kaya sa matinding pag-aalala agad na nila itong dinala sa hospital upang ipacheck-up upang malaman kong maysakit ba talaga si Mica.

MY HUSBAND OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now