KABANATA 2

3.1K 60 1
                                    

Nahinto ako sa pag iyak at napakalas sa yakap ni Lizza, napapunas ako ng luha at tipid na napangiti, napabaling ako ng tingin sa labas ng opisina ko, kasalukuyan nandito ako ngayon sa coffee shop na pag-aari ko.

Gabi na, peru mas lalong dumarami parin ang customer dito sa coffee shop ko, minsan hindi ako nakakapunta dito mabuti nalang nandito ang kaibigan ko kaya sa kaniya ko ibinibilin ang lahat, siya ang namamahala pansamantala habang wala ako.

Minsan lang kase ako makalabas dahil mahigpit na ipinagbabawal ng asawa ko na dapat huwag daw akong lumabas.

Hindi ko siya maintindihan peru wala naman akong magawa kundi ang sundin siya.

Ang asawa ko ay isang CEO ng sikat na kompanya na pinamamahalaan niya dito sa pilipinas, nangunguna ang kumpanya niya dito sa asya.

Kilala siya ng lahat hindi bilang sikat na CEI ng kompanya niya kundi sikat din siya bilang mahusay na modelo, nakakaparoud man peru hindi ko maiwasan malungkot at isipin kung bakit siya naging mapagmalupit na tao.

Madalas ko rin marinig na may binubou silang grupo ,sila ng mga kaibigan niya, hindi ko alam kung ano ang purpose nila kong bakit may grupo sila, peru ang mahalaga hindi kona dapat pakialaman kung ano man ang mga ginagawa niya, oo asawa niya ako at may karapatan akong malaman kung ano ang galawan at kung ano ang ginagawa niya peru hindi kami tulad ng ibang mga mag asawa.

Magagalit siya kapag pinapakialaman ko siya, natatakot ako dahil isang pagkakamali ko lang panigiradong bugbog sarado ako, isa siyang demonyo, pilit ko siyang iniintindi peru ang hirap niyang intindihin basta ang gulo, magagalit siya ng hindi ko man lang alam kung ano ang rason at dahilan niya.

" HELLO PO MA'AM MICA MAY NAGHAHANAP PO SA LABAS KAIBIGAN KA DAW PO NIYA! " Anunsyo ng isa sa mga staff member ko dito sa shop.

Nagkatinginan kami ni Lizza at marahang binalingan ng tingin ang looban ng coffee shop ko.

Wall glass itong office ko kaya tanaw na tanaw ko ang mga customer na naririto sa loob ng coffee shop, kinilatis ko mona kung sino ang tao na naghahanap sakin, napabuntong hininga nalang ako ng makita si Mark.

" SIGE MAKAKAALIS KANA! " Nakangiting sambit ko sa staff member ko, binalingan ko ng tingin si Lizza at kita ko na natatawa ito, inirapan kolang siya at ang gaga mas lalo lang akong pinagtawanan.
" MAY NAKAKATAWA? " Inis kong tanong kay Lizza.

Bakit ba kase nandito ang lalaking ito? Pati ba naman dito hinahanap pa niya ako. " ANG LAKAS TALAGA NG TAMA SAYO NG LALAKING YAN, SA BAGAY ANG GANDA MO KASE. " Natatawa niyang anas.

Inirapan ko lang si Lizza at binalingan ng tingin si Mark, saktong pagtingin ko sa kaniya ay siya rin pagtama ng mata niya sa mata ko, malawak ang ngiti nito at bahagya pang kumaway sa direksyon ko. Shit ang gwapo.

Alam naman niyang may asawa ako peru ang lalaking to kainis ang tigas ng ulo, siya ang magpapahamak sakin.

Si Mark ay galing din sa mayamang pamilya, matagal na siyang may gusto sakin since 1st year collage palang ako, aaminin kong nahulog ang loob ko sa kaniya kaya lang nong time nayon ay fiance kona si Lazaros.

" SIGE NA PUNTAHAN MONA SIYA! " Natatawang sambit ni Lizza, ang babaeng ito gusto pa akong ipagtulakan sa lalaki nayon, hindi ko naman siya masisisi dahil butong buto siya kay Mark.

Bukod sa gwapo pa ito mas mabait din si Mark at siya talaga iyong tipo ng mga babae.

Umirap mona ako kay Lizza bago ako tumayo at nagtungo papunta sa direksyon ni Mark.Nang makarating na ako mabilis niya akong ipinaghila ng upuan at malawak na napangiti.Ang cute!

" THANK YOU, BAKIT KA NAPARITO? " Tanong ko habang nakangiti, sa kabila ng lahat ng miserableng buhay na naranasan ko ngunit nakukuha ko parin ngumiti, aaminin ko na malungkot ako peru pilit akong ngumingiti dahil iyon na ang nakasanayan ko.

MY HUSBAND OBSESSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now