MICA POV
halos dina ako mapakali ng malaman ni lazaros ang tungkol sa bata, tunay nga siyang matalino at dahil doon parang hindi kona magawang ideny ang lahat ng tungkol sa anak ko.
naawa na ako sa anak ko, kailangan niya ng ama, nangungulila siya sa ama niya, kita ko nagtaka siya ng yakapin siya ni lazaros kanina, tiningnan niya ako ng nagtatanong na tingin bago ulit tumingin sa anak ko.
" MAG-USAP TAYO! " yan ang naisaad ko bago tuluyang lumabas sa kwarto ng anak ko, kapwa kaming naririto habang pinapatulog ko ang anak ko.
natakot din ako dahil baka nagalit sakin iyong anak ko.nagsinungaling ako na patay na ang papa niya.
Mahigit Isang oras kaming nag-usap kasama ang mga magulang ko, since alam na niya na anak niya si baby aejay wala akong karapatan ilayo siya sa anak ko dahil anak niya rin yon.
Subra na akong nakokonsencya sa anak ko, ayaw ko ng magsinungaling sa kaniya, mahirap na baka iyon pa ang maging dahilan ng paglayo ng loob niya sakin.ayaw kong mangyari iyon!
Bukas na ako magpapaliwanag sa anak ko ang mahalaga ay alam na niya na buhay pa ang papa niya.
" PAPAYAGAN KITANG LUMAPIT SA ANAK KO AT PAPAYAG DIN AKONG BUMISITA KA DITO PERU BAWAL MO SIYANG KUNIN SAKIN! " natakot pa ako dahil baka kunin niya sakin ang anak ko at hindi malabong mangyari iyon.
Tumango ito na ikinapanatag ng loob ko.
" PWEDE MO SIYANG IPASYAL HANGGANG KAILAN MO GUSTO PERU SA AKIN PARIN SIYA UUWI, LAZAROS HUWAG MONG TANGKAIN NA KUNIN ANG ANAK KO KUNDI MAGKAKAMATAYAN TAYO! " madiin at seryusong anas ko." DON'T WORRY HINDI KO GAGAWIN IYON! " aniya sabay tingin sa mga magulang ko, napabuntong hininga ako bago bumaling ng tingin kay mama na ngayon ay nakahawak sa braso ko.
NATAPOS kaming mag-usap at nagkalinawan na. hanggang sa umalis na ang mga magulang ko na wala man lang nasabi kanina, kinausap ko sila kanina na pabayaan muna si lazaros dahil wala silang magagawa anak din ni lazaros ang anak ko.
" MAKAKAALIS KANA LAZAROS, BUKAS MONA LANG DALAWIN ANG ANAK MO! " seryusong sambit ko at akmang aalis na ng pigilan niya na ako, inis akong tumingin sa kaniya.
" MICA SALAMAT! " mapait akong napangiti sabay hawi sa kamay niya. " UMALIS KANA! " madiin at inis kong saad.napatikhim ito bago tumingin sakin ng deritso.
" MICA PAG-USAPAN NATIN ANG TUNGKOL SATI-"
" ANONG TUNGKOL SATIN? " malamig akong napatawa bago siya tingnan ng masama, parang nakita ko na hindi niya nagustuhan ang inasal ko. Ngumisi ako bago siya tingnan sa mata.
" OO PINAPAYAGAN NA KITANG MAKITA AT MAKASAMA ANG ANAK NATIN PERU HINDI AKO PAPAYAG NA BUMALIK SA DEMONYONG ASAWA NA TULAD MO! " galit na anas ko.
" MICA PLEASE SORRY! " parang pumiyok ang boses nito. " MAHAL KITA! ALAM KONG MARAMI AKONG KASALANAN SAYO PERU ALAM MO BANG MAY DAHILAN AKO KAYA KO NAGAWA ANG MGA YO-"
" PWES ANONG DAHILAN?..LAZAROS HINDI KO ALAM KONG MAPAPATAWAD PA KITA, HANGGANG NGAYON SARIWA PARIN SAKIN ANG MGA KALUPITAN AT PANG-AALIPUSTA MO SAKIN, GALIT AKO SAYO! " hindi ko alam kong namamalik mata lang ba ako ng makita kong may daloy ng luha na pumatak sa mata niya.ngayon ko lang siyang nakitang umiyak.
" MASYADO MO AKONG SINAKTAN NOON, IPINARAMDAM KO NAMAN NA MAHAL KITA EH! MAHAL NA MAHAL KITA LAZAROS PERU ANO ANG GINAWA MO? MAS LALO MONG IPINARAMDAM SAKIN NA HINDI MO AKO MAHAL! IPINARAMDAM MO SAKIN NA WALA AKONG KWENTANG ASAWA NA ISA MO LANG AKONG BABAENG PARAUSAN! "
finally naisigaw kona rin ang sakit na apat na taon kong tinatago at kinikimkim.
ANG akala ko kaya ko, ang akala ko hindi ako masasaktan peru mali pala ako!..doon ko nakita na umiyak na ito.
YOU ARE READING
MY HUSBAND OBSESSION (COMPLETED)
RomanceNote: This is UNEDITED! Warning: R18. What is the reason and why is Lazaros so cruel to his wife? Malupit pa sa malupit! Despite her love for her husband how long will she gamble? What if Mica experiences her husband's abuse and her husband repeated...