LIMANG araw na ang lumipas simula ng sunduin ako ni lazaros sa cebu, bali dalawang araw lang ako doon tapos agad na akong sinundo ng asawa ko, medyo mahirap at malungkot.
Nagkahiwalay na naman kami ng mga magulang ko nakakalungkot lang dahil hindi ko alam kong kailan ako makakadalaw ulit sa kanila.
Mabuti nalang hindi na umiyak si mama peru mahahalata parin sa mukha niya na malungkot siya.
kasalukuyan akong nandito sa coffee shop ko habang hindi parin maaalis sa isipan ko ang napanaginipan ko noong gabing iyon, paano ko mabibigyan ng anak ang asawa kong nakikita kona sa paniginip ko ang maaaring kahahantungan ng lahat kapag magkaroon na kami ng anak.
hindi maalis sa akin ang hindi mangamba, takot ako noong napanaginipan ko ang gabing iyon, ang akala ko totoo na, masaya ako dahil nong una nalaman kong buntis ako peru agad din iyon napalitan ng takot ng mangyari ang mga ganong eksena mabuti nalang walang katutuhanan iyon.
ISANG MASAMANG PANAGINIP LANG IYON!
posible bang magkatotoo ang panaginip? mayroong oo at mayroong din hindi, kailangan magdoble ingat muna ako dahil madalas akong ginagalaw ng asawa ko.
kailangan huwag muna akong mab*ntis dahil maaaring malagay sa alanganin ang buhay ng magiging anak ko, panaginip lang iyon peru nandito parin iyong takot ko.
napabuntong hininga ako at nagsimulang uminom ng kape sa loob ng aking opisina, napatingin ako sa pintuan ng iniluwa doon si lizza, tipid akong napangiti habang siya ay papalapit na sa gawi ko.
" BOU NABA TALAGA ANG DESISYON MO? " tanong ni lizza, marahan akong tumango tango sa sinabi niya, gusto ko rin maging malaya na ako sa kamay ng asawa ko hindi iyong parang nakatali ako sa kaniya, nakakasawa kase ang ugali niya kaya desidido na akong lumayo at takasan siya.
" ALAM MO MICA, HINDI KO ALAM KONG MAPAGTATAGUMPAYAN MO ITO, PERU UMAASA AKO NA MAKAKATAKAS KA SA ASAWA MO, ALAM NAMAN NATIN PAREHO NA ISA SIYANG MATALINONG TAO. " alam ko naman iyon, maaaring magiging malagay sa pilegro ang buhay ko pag nagkataon na malaman niya ang plano kong ito.
" HINDI RIN MAALIS SAKIN ANG MANGAMBA LIZZA, PERU SANA NGA MAGTAGUMPAY AKO SA BINABALAK KO! " tipid akong napangiti habang nakaukit naman sa mukha nito ang pagka-awa.
" MASAYA AKO SA DESISYON MONG YAN MICA! GAGAWIN KO ANG LAHAT UPANG MAGING MALAYA KANA SA KAMAY NG DEMONYO MONG ASAWA " hindi ko mapigilang mapayakap sa kaniya, ang laking tulong ng ginawa niya. Natatakot ako na baka madamay pa siya kong sakaling sumablay ang mga plano.
MATAPOS namin pag-usapan ni lizza ang mga plano umuwi din ako kaagad sa bahay dahil ipagluluto kopa ang asawa ko, hindi madali ang plano na ito, halatang pinag-isipan ito ni lizza ng mabuti, pagkatapos ng lahat ng plano, umaasa ako na makakayanan ko ang lahat, malalampasan ko rin ito.
AALIS ako sa lugar na kong saan naranasan ko ang malaimpyernong buhay ko, kailangan kong maka-alis dito sa pilipinas matapos kong magawa ang mga plano.
mabuti nalang nandon ang mga pinsan ko sa italy seguro doon ako tutungo sa kanila, alam naman nila na pupunta ako doon peru wala silang alam sa dahilan ko.
CONTI..
NANG makatapos ako sa pagluluto, pagod akong nagtungo sa kwarto upang maligo dahil sa amoy pawis na ako, nakakapagod din dahil lahat ako ang gumagawa sa gawaing bahay.
Mabuti naman nakakayanan ko peru hindi rin madaling gawin ang lahat, sanay na ako kaya kahit pagod ako iniinda kona lang,. nang makapasok ako sa loob ng kwarto sinarado ko muna ang mga bintana at napabuga nalang ng hangin sa kawalan.
Hindi naman ako nag-iisa dahil may mga tauhan si lazaros sa labas ng bahay pati sa gate at main door. Sa nakaraang araw halata sa asawa ko ang pagiging dismayado, hindi rin nakatakas sakin ang paalalahanin sa mga bagay na ikakagalit niya.
alam ko naman na lagi siyang galit peru minabuti kona lang ang sundin siya, sa mga nagdaang araw madalas ko ng maramdaman ang taong laging umaaligid sakin, hindi ko alam kong tauhan ba siya ng asawa ko o hindi.
madalas niyang pinapa-alala na lumayo ako sa mga lalaki, iyon naman ang iniiwasan ko, nakakapagod din pagmalupitan ng asawa ko, kapag nilabag ko ang mga sinabi niya paparusahan niya ako, o kaya saktan ng paulit ulit.
sa loob ng limang araw na nakabalik ako sa manila, kinulong pa niya ako ng isang araw sa loob ng kwarto, hindi ko alam ang dahilan niya kaya iyak lang ang nagawa ko sa mga araw nayon.
halos mabaliw ako sa kakaisip kong bakit niya ginagawang pagmalupitan ako.gusto niyang hindi ako nakakatawag pansin sa mga kalalakihan.
kasalanan ko bang mapatingin sila sa gawi ko kapag lalabas ako ng bahay? sa tuwing mamasyal ako na kasama siya halos takpan kona ang mukha ko maiwasan ko lang ang mga hindi niya
gusto, para siyang baliw, minsan lalambingin ako at pagkatapos non sasaktan na niya ako.napabuntong hininga ako matapos kong maligo sa banyo, gusto ko sanang matulog peru pumasok sa isip ko ang gamot na kanina kopa hinahanap, hindi ko ito mahagilap sa pinagtataguan ko, hinanap kona rin ito sa kasulok sulukan, halos nahalungkat kona .
--
mabibigat na hininga ang pinakawalan ko bago nagtungo sa walk-in closet, kumuha ako ng puting t-shirt at maikling short, muli akong bumalik sa kwarto at nahiga sa subrang pagod, maya maya uuwi na ang asawa ko, at hindi ko alam kong ano ang takbo ng isip non kapag nandito na siya.unti unting hinihila ang aking diwa upang matulog kaya nagpalamon nalang ako, hindi kona kaya kundi ang itulog muna ang pagod kong katawan.
YOU ARE READING
MY HUSBAND OBSESSION (COMPLETED)
Любовные романыNote: This is UNEDITED! Warning: R18. What is the reason and why is Lazaros so cruel to his wife? Malupit pa sa malupit! Despite her love for her husband how long will she gamble? What if Mica experiences her husband's abuse and her husband repeated...