NAPANGITI ako at bumaling ng tingin kay lazaros habang nasa loob pa kami ng sasakyan niya. Nasa tapat na kami ngayon ng bahay namin habang hindi parin nakakababa sa loob ng kotse.
bumuntong hininga siya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. " NGAYON MAGKAAYOS NA TAYO DAPAT KAMI RIN NG PAPA MO! " napangiti ako at tumango tango sa sinabi niya.
" LAZAROS HE STILL MAD AT YOU, PERU NANINIWALA AKO NA MAGKAKAAYOS DIN KAYO! "
" KAILANGAN KONG PATUNAYAN ULIT ANG SARILI KO NA KARAPAD-DAPAT PARIN AKO SAYO, GAGAWIN KO ANG LAHAT MAGKAAYOS LANG KAMI NG PAPA MO. PAPAKASALAN KITA MICA " napangiti ako sa huli nitong sinabi.
marahan niyang hinalikan ang likod ng palad ko bago mapunta ang halik niya sa labi ko, napapikit ako at ninamnam ang malamyos niyang halik, napahiwalay ako sa kaniya ng makita si ate shin na nakatingin sa direskyon namin.
" PUNTA NA TAYO SA LOOB? " mabilis naman siyang tumango, nauna siyang bumaba at mabilis na tumakbo sa tapat ng inuupuan ko at pinagbuksan niya ako ng pinto.
nakangiting hinawakan ko ang kamay niya patungo sa loob ng bahay namin habang si ate ay nakangiting pinagmasdan kami. Oo nagalit siya kay lazaros peru ngayon okay na sila.si lazaros at papa lang ang hindi nag-uusap, sana maging okay na sila.
" MOMMY! DADDY! " masayang tumakbo ang anak namin papunta sa direksyon namin. Ng makalapit na ito ay agad kaming inambangan ng mahigpit na yakap kaya napangiti nalang kami.
Mabuti nalang hindi siya naghanap sakin kagabi seguro sinamahan siya ni ate sa kwarto niya.
nakonsencya rin ako para kay thomas dahil hindi ako sumulpot sa napag-usapan naming date.
peru humingi na ako ng sorry sa kaniya at gumawa nalang ng ibang dahilan para hindi na niya malaman ang tungkol sa pagkidnap ni lazaros sakin kagabi.sa tingin ko mabuti narin na kinidnap ako ni lazaros kagabi, dahil don nagkaayos na kami. Peru dapat na nga ba kaming maging masaya? paano kong may darating na naman problema?
" MOMMY, HINANAP KO KITA KANINANG UMAGA!" nagkatinginan kami ni lazaros peru agad din napatingin sa cute naming anak. Pinangigilan ko muna ang matambok nitong pisngi bago siya sinagot.
" SORRY ANAK, MAY GINAWA LANG SI MAMA KAGABI! " tanging sambit ko. " OO ANAK MAY GINAWA LANG KAMI KAGABI! " anas naman ni lazaros kaya tinaasan ko siya ng kilay.balak pa atang eboking ako eh no.
Tumango tango naman iyong anak namin na parang hindi gets, mabuti nalang talaga inosente pa ito. Inis kong tinapunan ng tingin si lazaros ng makitang natatawa niya akong tinitigan.
Grabe ang lalaking to'! may pangiti ngiti pang nalalaman." MOMMY DADDY TARA KAIN PO TAYO! " excited nitong sambit at nauna ng tumakbo patungo sa dining area.
Napailing iling nalang si lazaros habang ako ay nauna ng naglakad sa kaniya peru hinila niya ang pulsuhan ko. " WHAT? " tanong ko, ngumiti lang siya sakin.sh*t ang gwapo, iyong ngiti niya ang sarap pagmasdan.
hinawakan ko ang kamay niya. " MAG-UUSAP NA KAMI NG PAPA MO TUNGKOL SATIN! " napangiti ako at tumango, hanggang sa mapunta na kami ni lazaros sa hapag ng hindi nagkakahiwalay ang mga kamay namin sa isa't isa.
Gulat silang napatingin sa kamay namin ni lazaros na mahigpit na magkahawak.
Nakangiti parin ako sa kanila at tila hindi takot sa reaksyon ni papa na seryuso lang kaming tinitingnan.CONT..
NATAPOS kaming kumain ng agahan ng hindi man lang umimik si papa, ramdam ko ang malamig niyang tingin kay lazaros peru si lazaros ay pilit na ngumingiti kay papa.
kami lang ang nag-usap nina mama at ate pati si lazaros ay nakikisabay narin maliban lang kay papa. hanggang sa mag-usap ng masinsinan sina papa at lazaros, gusto ko sana nandon ako sa tabi ni lazaros peru hindi pumayag si papa.
tumango lang sakin si lazaros pahiwatig na kahit wala ako doon sa tabi niya ay makakaya niyang patunayan muli ang kaniyang sarili kay papa. kasalukuyan ako ngayon na nandito sa loob ng kwarto ng anak ko.
" MAMA LARO PO TAYO! " saad ng anak ko, napangiti ako sabay hagod sa buhok niya. Binigay nito ang iilan niyang mga laruan tulad ng mga robot kaya kinuha ko iyon.
alam kong si lazaros parin ang iniisip ko, hindi ko maiwasang mangamba. Baka ayaw na sa kaniya ni papa o baka hindi siya mapatawad. Sana magiging maayos din ang lahat.
--
NATAPOS kaming naglaro ng anak ko peru ako naghihintay kay lazaros, mahigit dalawang oras narin silang nag-usap seguro natapos na sila. iyong anak ko nandon sa play room niya kasama ang yaya.napabuntong hininga ako at napatingin nalang sa kawalan habang iniisip si lazaros at si papa.
" HEY BABY! " bumukas ang pinto at iniluwa nito ang nakangiting lazaros. Mabilis akong tumakbo sa kinatatayuan niya at nag-aalala siyang tiningnan. Tila kumunot naman ang noo nito dahil sa pagsuri ko sa katawan niya.
" HINDI KABA SINAKTAN NI PAPA? "
" ANO ANG SINABI NIYA SAYO? PINAGALITAN KABA?
" HINDI KABA NIYA NAPATAWAD? "
" TANGGAP BA NIYA ANG PANGHIHINGI MO NG KAPATAWARAN?
tila hindi ako mapakali sa mga tanong ko, natawa pa siya sa reaksyon ko kaya tiningnan ko siya sa mata. Nakangiti niyang hinawakan ang pisngi ko at nakipagtitigan sa mata ko." ANG DAMI MO NAMAN TANONG! " natatawa nitong anas, wala akong ginawa kundi ang tingnan siya sa mata. Natatakot lang ako sa maaring kalalabasan ng pinag-usapan nila, mahirap na baka hindi maganda ang resulta.
" LAZAROS BAKA KAS- "
" TANGGAP NA NIYA MICA! " natahimik ako. Kita ko na mas lumawak ang ngiti niya peru ako tulala lang sa sinabi niya. " NAPATAWAD NA AKO NG PAPA MO YIEE! " niyakap niya ako ng mahigpit at inikot ikot pa ang mga katawan naming dikit na dikit.
" TA-TALAGA? " masayang tanong ko, sandali muna ako nitong hinalikan sa labi bago ako sinagot. " YES!..I LOVE YOU " aniya inilapat ko ulit ang labi ko sa kaniya at marahan siyang hinalikan. " I LOVE YOU TOO LAZAROZ I'M VERY HAPPY! " napangiti ito at niyakap ako ng mahigpit.
----
PAGKATAPOS namin mag-usap ni lazaros kaninang umaga, nagtungo na ako sa kompanya ko at siya naman ay nasa kompanya niya. Napabuntong hininga ako dahil sa mga naiisip ko.okay na kami ngayon ni lazaros peru paano si grace,? paano kong hindi siya papayag kapag nalaman niyang hindi na siya papakasalan ni lazaros,? baka masaktan iyon.
" HOY! " napabalik ako sa realidad ng magsalita si lizza. Alam narin ni lizza ang tungkol samin ni lazaros medyo nagalit pa siya sakin dahil padalos-dalos daw ako ng desisyon.
masisisi ba niya ako kung hanggang ngayon ay si lazaros parin ang tinitibok ng puso ko?..sinubukan ko naman mahalin si thomas peru hindi ko magawa dahil si lazaros parin ang sinisigaw ng puso ko.
" BAKIT PARANG TULALA KA DYAN? ANG AKALA KOBA MASAYA KA HUH? " tinaasan niya ako ng kilay sabay upo sa tapat ng table ko.napabuntong hininga ulit ako at seryuso lang siyang tiningnan.
"DAPAT MAGING MASAYA KA DAHIL IKAKASAL NA KAYO ULIT NI LAZAROS! " sambit niya.
Oo napag-usapan na namin ito ng mga magulang ko ang tungkol sa kasal. masyadong nagmamadali si lazaros sa kasal. Peru dapat ayusin niya mona ang tungkol sa pagkansela ng kasal nila ni grace.
GUSTO ko huwag mona kaming ikasal agad ni lazaros, kailangan pa namin ayusin ang lahat, kailangan parin mapatunayan ni lazaros sakin na hindi na niya ako sasaktan, kailangan ko siyang makitaan muna kung nagbago na siya.
Paano nalang kong hindi pa nga siya nagbabago?
baka masaktan lang ako!! Sana patunayan niya mona ang sarili niya kong karapat dapat parin siya na maging asawa ko ulit!..
sana bagong lazaros na ang kasama ko ngayon!
YOU ARE READING
MY HUSBAND OBSESSION (COMPLETED)
RomanceNote: This is UNEDITED! Warning: R18. What is the reason and why is Lazaros so cruel to his wife? Malupit pa sa malupit! Despite her love for her husband how long will she gamble? What if Mica experiences her husband's abuse and her husband repeated...