Kabanata 8

148 5 0
                                    


Hindi ako makapali, ramdam kong may nakatingin sa akin. Ayoko namang mabahala ang aking pamilya kaya minabuti kong magpaalam upang magbanyo.




Hindi ko na nilingon ang babae, nasa kaliwang bahagi ng resto siya nakapuwesto at kami naman ay nasa kanan. Siya ang una kong nakita pagpasok pa lamang kaya sobrang bigat ng pakiramdam ko hanggang ngayon. Naglalaro ang alaalang meron ako sa damdamin ko ngayon. Tinulak ko ang pintuan ng banyo, sumara kaagad iyon matapos kong makapasok. Dumiretso kaagad ako sa salamin saka bumuntong hininga.




Hindi...




" Ate Gwen?". May nagbukas ng pintuan at nagsalita. Napapitlag ako dahil doon ngunit kaagad ding nakabawi nang marinig iyon mula sakanya.



Siya nga!




Hindi ko siya nilingon, nagpanggap akong ibang tao kahit alam kong sigurado siya sa kanyang hinala. Pagkatapos kong titigan ang mukha sa salamin ay siya namang paglapit niya. Diretso ang tingin sa salamin kaya pumihit ako at pumili ng cubicle.




Napahinto ako nang may humawak sa aking braso, nilingon ko kaagad siya at tinaasan ng kilay.




"Yes? Miss?." Naguguluhan kong tanong.



Maririin ang kanyang mga mata, kagaya ng kay Chloe, kagaya ng mga titig ng kuya niya.



"Ate Gwen? Ako ito, hindi mo na ako nakikilala?." She said. Umiling ako at binawa ang braso.



"Hindi ka pa rin pala talaga nagbabago! Ang sama-sama mo!." Sigaw niya nang nakapasok ako sa isang cubicle.




Napahawak ako sa pader, habol ang sariling hininga dahil sa mga narinig na salita mula sakanya.



Oo, ang sama-sama ko! Ako ang nagdulot ng sakit! Ako ang may kasalanan! At hindi ko alam kung ano na ang kalagayan niya, kung okay ba siya?!




I tried searching for him, I tried looking for him after I gave birth. Sinubukan ko ang lahat kahit noong panahong hindi ko pa alam na buntis ako pero wala. Wala akong nakuhang sagot mula sakanya. Marahil sobrang nagalit siya. Hindi. Paniguradong galit siya! Kaya hindi ko masisisi ang kanyang kapatid na ganito na lamang ang galit sa akin.


"Mom? Aren't you done yet? Our food is ready." Saka lamang ako natigil sa kakaisip.



Mas lalong umapaw ang pangamba ko, dati gusto ko siyang makita pero habang tumatagal ay hindi na. Marami akong dahilan at ang isa rito ay ang mawala sa akin si Chloe.



" All done, baby. Let's go." Kinarga ko na siya at tuloy-tuloy ang lakad ko.



We ate our food peacefully, I am not sure if I thank God that Lawrence is not here or it is because I am afraid of other things. I can't figure it out. All I have right now is fear.


Lagi naman, lagi naman akong nakakaramdam ng takot!


" Ibig sabihin, nasa malapit lang sila. Hindi mo maiiwasan iyan, Gwen. Lalo na at kilala ka ng tao." Untag ni Mae.



Sumabay na siya sa akin pagkatapos naming ihatid ang mga bata. Hindi pa ako nagsimulang magmaneho dahil mas pinili kong magkuwento sakanya. Ang hirap ng sinasarili ang problema ko, pakiramdam ko ay bawat minuto akong kinikilabutan. Hindi ako mapakali. 



"Ang tagal ko silang hinanap, pero bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang may nagparamdam?!." Sa loob ng walong taon, ngayon lamang may nagparamdam sakanila.




Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon