Kabanata 19

69 3 0
                                    

Lumalalim ang gabi ngunit ang bahaging ito ng mundo ay mas lalo pang nabubuhayan. Sumasabay sa bawat hagod ng musika. Ang tanging pag-asa ko ay si Rp ngunit hindi pa man kumagat ang ala una ng umaga ay bagsak na siya. Nakita ko kanina sinampa siya sa balikat ng kasamahang lalaki, sinubukan ko siyang hanapin para makausap man lang bago umuwi pero wala na akong nadatnan kung hindi ang mga kasamahan at maging si Clint ay wala na rin sa lamesa.






May nag-alok sakin ng shot, wala man lang ni asin na binigay ngunit may nakaantabay na asin sa nakahigang lalaki sa lamesa. Seryoso ba sila? Asin sa abs ng lalaki?! Hindi ko kayang gawin iyon pero lahat sila ay nasa akin na ang atensyon. Wala akong takas lalo na't hindi ko sila kilala nang lubusan.





"Kapag iyan nalaman ni Jack, magtago na kayo."isang babae ang sumalba sa akin. Maging siya ay gumewang-gewang narin pero nasa katinuan pang sinabi ang mga iyon.





Para silang natauhan nang marinig iyon, hindi na nila ako pinilit pang uminom at ibang babae na ang gumawa ng shot para sa akin. Dumampi ang labi n'on sa abs na nagkabalandra bago sila humiyaw nang napakalakas. Napagtanto kong walang makausap nang maayos sa grupo dahil masyado na nilang nilulunod ang sarili sa alak. Nagpasya akong umalis at tinahak ang kahabaan ng kalye palabas, maraming nakaparadang sasakyan ang dinaanan ko. Mahirap na rin yata sumakay nang ganitong oras pero pagsisikapan ko.










May iilan akong nakasalubong na papunta pa lang yata at mayroon naman akong iilang kasama palabas ng area. Kung ganito may event, sigurado akong maraming nag-aabang, ganoon naman kadalasan hindi ba, iyon nga lang kinailangan ko talaga lumabas hanggang sa highway. Walang magtatangkang pumasok na taxi sa area na ito sa dami ng mga sasakyan ay magkakatrapiko lang.






Saktong pagliko at paglabas ko ng establishment ang pagdaan ng taxi, hindi ako kaagad nakapagpara ng taxi dahil naantala iyon ng taong umakbay sa akin. Tinalunton ko ang nagmamay-ari n'on at bagot akong tumingin sakanya.






"Julius..." bulalas ko, ngumisi siya sa akin. Nadi-distract ako sa piercing niya.




"Nakita kitang palabas, kaya sinundan kita. Are you heading home?" kaswal nitong tanong. Magkadikit kami dahil sa braso niyang nakaakbay sa akin.







Pumara ulit ako ng taxi, inindian ako dahil may sakay na pala.




"I don't think you'll find a taxi anytime soon," sang-ayon ako r'on. Hindi lang naman ako ang walang service sa mga pumunta rito kaya maliit ang tsansa na makahanap kaagad ako.






"Let's go somewhere, gusto mo? I brought my car."kinalas ko ang braso niyang nakaakbay sa akin.






Bakit ko pa kasi pinatagal iyon, naiisip niya tuloy na interesado rin ako sakanya.





"Ah, I need to go home now. I still have an examination later," amin ko.




Kumunot ang noo niya, sumulyap ito sa akin, mula sa mukha ko pababa sa labi hanggang sa tumagal siya sa dibdib ko. Nagtiim bagang ako, naalibadbaran ako sa titig niya pero pinilit ko pa ring maging kaswal.





"It's okay, we'll be very quick. Ihahatid din kita kaagad," umatras na ako lalo na nang lumapit ang mukha niya sa akin.





What the fuck is he trying to do?!







"J-Julius, ano.." nauutal kong pigil sakanya. Hinila ko na rin ang brasong hawak niya.





Alam kong lasing na siya, ayaw ko namang sumigaw at makakuha ng atensyon kung kaya ko naman. Hinayaan ko siya lumapit sa akin, napagtanto niya sigurong hindi ako nanlaban kaya pumikit ito at hinintay ang labi naming magdikit pero bago pa man iyon mangyari ay mabilis ko siyang tinulak. Hindi ko na siya nilingon, dumiretso ako sa parking area at nagtago sa likod ng mga sasakyan. Narinig ko ang sigaw ni Julius, sinagaw niya pa ang pangalan ko at tinalunton ang mga nakahilerang sasakyan.





Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon