Sinilip ko ang orasan, isang oras pa ang hihintayin ko bago makapuslit sa kapatid ko na kung makaasta ay mas matanda pa sa akin.
Sinubukan kong umidlip pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Nagbabad na rin ako sa social media at wala ring nakuha kung hindi inggit! My friends are out already and here I am waiting for the right time to sneak.
Pumatak ang ala una ng umaga, suot ang isang itim na fitted dress at boots, nagmartsa ako palabas ng kwarto. Sinikap kong magdahan-dahan lalo na nang bumaba at tinahak ang back door. Iikot ako patungong gate at doon lalabas. Isang linggo rin akong hindi nakalabas dahil sa kahigpitan ni Justin! Buti hindi kami same school kung hindi baka pati sa school ay hindi ako makakakilos nang maayos.
Kainis!
Umihip ang hangin nang tuluyan na akong makalabas, nilingon ko ang bahay. Wala namang kakaiba kaya nagpatuloy na ako. Pababa ako at lalabas ng gate ng subdivision!
"Oh ngayon na lang ulit kita nakita, Miss." Ang matandang guwardiya.
Ngitinian ko na lamang ito. Ang alam niya ay may trabaho ako tuwing ganitong oras, ang alam nila nagtatrabaho sko pero ang totoo ay palusot ko na lamang iyon! Kung alam nilang menor de edad ako lalong hindi sila papayag lalabas ako ng ganitong oras. Pasalamat na lamang ako dahil hindi ako mapagkakamalang menor de edad dahil sa physical appearance ko.
Kumaway ako sa guwardiya nang tuluyan ng nakalabas. Kanina ko pa tinext si Jack, ang ka-m-u ko na maghihintay ako sakanya at hindi naman ako nabigo, dumating siya at pumarada sa harap ko.
"Hi, akala ko hindi kana darating!." Hiyaw ko, pinagpag niya ang likod ng kanyang motor.
Humawak ako sa balikat niya bago inangat ang sarili at kumportableng umupo sakanyang likod.
"Mahihindian ba kita, Gwen." Pilyo nitong sagot bago pinaharurot ang kanyang motor.
Maingay iyon at malakas ang takbo niya kaya para akong baliw na kumalas sa pagkayakap at itinaas ang dalawang kamay sa ere.
Thanks to my parents! I will never experience this in our City!
Tumawa lang si Jack nang marinig akong malakas na nagmura sa ere. I love living my life like this, hindi ako magsasawa kahit na galit ako dahil sa paglipat sa bagong paaralan!
Kung bakit ito nangyayari sa amin?! Iyon ang hindi ko maintindihan!
Kulang na lang ay kumuwala ang kaluluwa ko sa sariling katawan! Mabuti na lang ay sa sentro ang tungo namin kung hindi malamang sa malamang kanina pa kami pinaghahanap ng pulis sa sobrang ingay ng motorsiklo ni Jack. Nagdahan-dahan lamang ito nang papasok kami sa isang pribadong establishimento.
"Gusto mo bang paglamayan tayo?" Singhal ko.
Tinawanan niya lamang ako at nagtanggal ng helmet, hindi na ako nag-abala pang tanggalin ang akin dahil wala naman akong suot, wala siyang reserba!
"Of course not, kung sa kasalan, papayag pa ako." Anito. Ngumuso ako.
Nanliligaw siya pero masyado pang maaga para sagutin ang isang ito. Ang sabi ko m-u muna kami!
![](https://img.wattpad.com/cover/182464658-288-k59827.jpg)
BINABASA MO ANG
Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)
RomanceSimple lang ang gustong makuha ni Guinevere, iyon ay ang atensyon at pagmamahal ng kanyang mga magulang. Simula't sapul wala na itong nakukuhang sapat na atensyon, laging kulang at laging taumbayan ang pinaglilingkuran. Nagsimula siyang maghiganti...