Hinaplos ko ang maamo niyang mukha habang natutulog, kakatapos ko lang mag-shower at tulog pa rin siya.
" Baby..." mahina kong tawag sa kanya habang hinahaplos ko ang mukha niya.
" hmmmm," she answered and shifted her position to face me. She's slowly opening her eyes.
" Mommy," tawag niya sa akin, ngumit ako bago hinaplos ang kanyang buhok.
" Bangon na, let's eat dinner " kinusot niya ang mga mata niya bago dahan-dahan na bumangon.
" What time is it, mommy?" tanong niya, tumayo ako at tinulungan siyang bumaba ng kama.
"half past six" sagot ko. Sinuri niya ang sarili at iminuwestra niya sa akin ang suot na damit.
"I want to take a bath, mommy. Please wait for a little while." I nodded quickly.
Dahan-dahan siyang naglakad papuntang banyo, naglakad naman ako palapit sa wardrobe at namili ng night clothes. Hinanda ko na rin ang susuotin ni Chloe. Tapos na akong magbihis nang lumabas siya ng banyo, kaagad siyang lumapit sa mga damit niya na nakapatong sa kama. Maingay ang blow dryer ko kaya tinigal ko na rin iyon nang nakuntento.
" Mommy, I'm done." Lumapit siya sa akin, nakaupo ako sa upuan sa harap ng tukador. Nasulyapan ko ang nakapusod niyang buhok na gulong-gulo.
Umusog ako para bigyan siya ng espasyo sa harap ko. Inayos ko ang buhok niya, sinuklay ko ang mahaba niyang buhok na kasalungat ng akin.
" Your short hair is beautiful, mommy" puna niya habang nakatitig siya sa akin sa pamamagitan ng salamin.
" I like your hair more, it's so soft." Sagot ko naman, malambot talaga ang mahaba niyang buhok, umaalon din ang buhok niya na namana niya kay Mama.
" Really, mommy, why don't you keep it long? I've never seen it long in person. I like your hair long too," tanong niya, ngumuso ako dahil hindi ko alam kung paano sasabihin. There's one guy who liked my hair long, and because of him, I never liked it long again.
" kasi po, mainit sa pakiramdam.." palusot ko, tinali ko ang mahaba niyang buhok at pinusod muli kagaya ng ginawa niya.
Tumingala siya sa akin matapos kong ayusin ang buhok niya. Nakasuot kami ng ternong pajama.
" But you can tie your hair like this, it's not hot, mommy." She answered, and she trailed it with her little hands.
"I will let it grow this time," sagot ko para hindi na siya magduda sa naging sagot ko.
" Really, mommy? Is it also curly like mine?" umikot siya para imuwestra sa akin ang buhok niya.
" I've got straight hair, baby. You got your curly hair from your grandma." Sagot ko, lumapit siya sa akin at yumakap sa baywang ko.
" From your mom or from my dad's mom?" nakanguso niyang tanong, tiningala niya ako gamit ang nakakatunaw na tingin.
" Hmm, from my mom." Matipid kong sagot, naningkit ang mga mata niya na tila ba'y may naglalaro sa kanyang isipan.
" I want to see my paternal grandparents, mommy." Mahina niyang sinabi, naninimbang siya kaya kaagad ko na siyang nginitian.
"We'll see what we can do with that, baby. Let's eat dinner first." Nakangiti kong sagot kahit na hindi ako sigurado kung okay lang ba iyon, hindi ko pwedeng pangakuan si Chloe ng bagay na iyon.
Magkahawak kamay kaming bumaba, kaagad niyang tinawag ang kanyang tito na kakarating lang. Kaagad nagtagpo ang tingin namin ni Justin.
" He's outside," matipid niyang sinabi, umakyat siya sa hagdanan matapos humalik kay Chloe.
Sinundan ko ng tingin ang likod ng kapatid ko at kahit hindi niya sabihin ay alam ko pa rin na hindi siya boto kay Lucas. Ibinalik ko kay Chloe ang tingin ko nang hinila niya ako papuntang dining area.
" let's go out, you're dad's out. " Nauna pa siyang maglakad palabas nang sabihin ko iyon, halata ang kasiyahan sakanya habang sinusundan ko siya ng maliliit na hakbang.
"Daddy!!!" narinig kong sigaw niya, nakalabas na siya ng gate nang makalabas ako ng bahay.
Kaagad siyang sinalubong ni Lucas ng isang yakap, binuhat niya si Chloe, naririnig ko ang usapan nang dalawa pero hindi na ako nakisali pa.
" Are you going to stay here, daddy?" rinig kong tanong ni Chloe. Tumikhim ako para paratingan si Lucas na huwag na huwag siyang magkakamaling mangako.
"Hmm, yeah, I have a house in City proper, just fifteen minutes from here." Sagot niya kay Chloe. Kumunot ang noo ko sa naging sagot niya, hindi ko iyon nagugustuhan dahil aasa lang siya Chloe kapag nagkataon.
"Talaga daddy, are you with my grandparents?" natutuwa niyang tanong, yumakap siya sa leeg ni Lucas sa tuwa.
Bumaling si Lucas sa akin dahil sa naging tanong ni Chloe. Tila ba naghahanap siya ng kasagutan mula sa akin, nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko rin naman alam kung anong isasagot.
" No, baby. Grandma is in her family's house, and grandpa is no longer with us.." Mahina ngunit malinaw ang naging sagot niya. Napalunok ako dahil parang nakalimutan ko na wala na pala siyang ama at nakalimutan ko rin kung paano siya naghirap dahil d'on.
![](https://img.wattpad.com/cover/182464658-288-k59827.jpg)
BINABASA MO ANG
Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)
Roman d'amourSimple lang ang gustong makuha ni Guinevere, iyon ay ang atensyon at pagmamahal ng kanyang mga magulang. Simula't sapul wala na itong nakukuhang sapat na atensyon, laging kulang at laging taumbayan ang pinaglilingkuran. Nagsimula siyang maghiganti...