Nagpatong-patong ang sakit na nararamdaman ko, mas lalo lang sumakit ang puso ko dahil sa natuklasan mula kay Justin. Sa ilang taon naming magkasama, sa hirap at ginhawa ay ni minsan hindi ko siya natanong patungkol sa buhay niya, sa personal na gawain niya na malimit kong nakikita.
" Kung hindi ka natatakot sa karma ay sana naman matakot ka sa Diyos. Lahat ng ginawa mo ay babalik sayo." Paulit-ulit na nag-echo sa tainga ko ang litanya ni Justin. Nag-ugat ako sa kinatatayuan ko at huli na nang natauhan ako dahil nasa loob na ng sasakyan si Justin.
Kinatok ko siya sa salamin ng kanyang sasakyan, hindi siya nagpatinag at nagbusina pa nang ilang beses. Naramdaman ko ang paglabas nila mama, sa tingin ko ay na bahala sila sa pagbusina ni Justin. Saka niya lang binaba ang salamin ng kanyang sasakyan at dinungaw ako mula sa driver's seat.
Nagmartsa ako palapit sa driver's seat at galit siyang tiningnan.
" Kung karma lang naman ang pag-uusapan natin, matagal na ako kinarma Justin! Hindi pa ba sapat na kinarma ako nang malala at si Cielle ang naging kapalit!" sigaw ko, namutla siya hindi dahil sa sinabi ko kung hindi dahil nasa harap ng sasakyan niya si Papa.
" Sagutin mo ako, Justin! Habambuhay ko pagbabayaran ang kamalian ko sa nakaraan. Habambuhay nang nakaukit ang sakit sa puso ko. Akala mo ba masaya ako sa nangyayari? Hindi! Lahat ng nangyari noon ay kasalanan ko!" naramdaman ko ang paglapit ni Mama at ang pagpigil niya sa akin pero hindi ito sapat para pigilan ang emosyon ko.
Ilang taon na ang lumipas at ngayong may nagbabalik ay para akong bumalik sa pinakauna. Kung paano ko sinimulan ang lahat nang mali at kung paano ko ring sinubukan magsimula nang mali! Lahat ng iyon ay bunga ng kapusukan ko, lahat ng nangyayari ay kagagawan ko na kahit magdusa ako ay wala pa ring makakapantay sa sakit, hindi mawawala lalo pa't may mga nasasaktan, isa na roon ang anak kong si Cielle na walang kamuwang-muwang at nagbayad ng kasalanan ko, ng kamalian ko.
" I am not happy! Lucas is a good man and Lawrence is a good man too! Pareho silang naging mabuti sa akin pero anong isinukli ko? hindi ba't puro sakit? Si Lucas na nag-aagaw buhay noon dahil sa akin at si Lawrence na nasasaktan ko kahit mabuti naman ang intensyon niya sa akin, sa amin ni Chloe." Humihigpit ang hawak ni Mama sa akin at maging si Papa ay tumulong na rin upang pigilan ako. Sinubukang lumabas ni Justin at dahil nakatayo ako sa harapan niya ay hindi niya iyon tuluyang magawa.
" Hindi ako nagsasaya kagaya ng iniisip mo, hindi ako masaya sa nangyayari sa buhay ko. Hinding-hindi ako magiging masaya dahil si Chloe na lang ang dahilan kung bakit lumalaban ako." Gusto kong umiyak pero dahil sa bugso ng damdamin ko ay hindi ko iyon magawa.
" Gwen, that's enough. Nasa sala lang si Lawrence at Chloe. Tama na" umiling ako at hindi natinag sa boses ni Papa na puno ng awtoridad. Mariin kong tinitigan ang kapatid kong nagsisisi, hawak ang manibela nang mahigpit at nagpipigil ng galit.
" Madalas kong hilingin na sana ako na lang iyong nawala at hindi si Cielle dahil ako naman ang may kasalanan. Wala akong karapatang maging masaya. Wala akong karapatang mabuhay, alam mo ba iyon Justin? I am worthless, my life is worthless." Padarag akong hinila ni Papa at niyugyog ang magkabilang balikat ko, saka lang lumandas ang inipon kong luha. Naghahabol din ako ng hininga dahil hindi ko namalayan na nagpipigil na pala ako.
" Guinevere!" nabibingi ako sa naririnig, hindi ko alam kung alin ang uunahin ang mga tawag nila o ang paghinga ko.
" Ate!" tawag na nagmula kay Justin.
BINABASA MO ANG
Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)
RomanceSimple lang ang gustong makuha ni Guinevere, iyon ay ang atensyon at pagmamahal ng kanyang mga magulang. Simula't sapul wala na itong nakukuhang sapat na atensyon, laging kulang at laging taumbayan ang pinaglilingkuran. Nagsimula siyang maghiganti...