Mataman kong pinagmasdan ang dinaraanan namin, inabala ko rin ang sarili sa pagbibilang ng iilang bahay hanggang sa lumiko ang sasakyan ni Lucas pakanan. Ang nilikuan namin ay isang checkpoint, may mga sundalong nakabantay sa bawat intersection. Mukhang hindi naman umiiwas sa checkpoint si Lucas, sa tingin ko rito kami pupunta. Pagkatapos niyang lumiko ay diretso na ang kanyang pagmaneho, paakyat ang daanan at medyo malubak.
Hindi iyon naging mahirap dahil sa kanyang sasakyan. Wala man lang siyang kahirap-hirap na nagmaneho pa-akyat kahit na feeling ko kung ihihinto niya ay bigla na lang kami mahuhulog, pero imposible iyon. Naging patag ang daanan matapos ang mala-roller coaster na rough road. Dahan-dahan ang pagmaneho niya, may bumati sakanya nang makalapit kami sa isang malaki at puting gate.
"Good morning Sir, Ma'am," bati ng guwardiya. Dalawa ang bumati sa amin, ngumiti lamang ako dahil masyado akong nawili sa kapaligiran.
Nilingon ko ang likuran galing sa passenger seat, kita ko rito sa kinauupuan ko ang pababang kalsada.
"Are you scared?" Napansin yata ni Lucas ang pananahimik ko.
I am not scared, I'm just overwhelmed by the view.
"No," matipid kong sagot, tumingin ako sa harap at nakitang paakyat muli ang daanan. Humawak ako sa seatbelt at nagpakawala ng buntong hininga.
I just notice the City's beauty. Kung sa downtown ay patag ang bawat kalsada rito naman ay paakyat at pababa. You'll go up and down every now and then. Hindi pa man kami nakakarating sa pinakatuktok ay nalulula na ako. I was mesmerized by it's beauty, the country part of the city is really beautiful with it's overlooking view.
Hindi ko namalayaan na nasa tuktok na kami, nakita ko na lamang si Lucas sa harapan ko, nakabukas ang passenger seat at mataman akong tinitigan.
"Wow, it's my first time here!" I exclaimed when I finally went down. Lucas is still holding my hand.
Marahan niya akong hinila palapit sakanya nang bigla umamba akong lumayo, gusto ko kasi lumapit sa may railings at dumungaw sa ibaba. Nagtataka ko siyang tiningnan, tinuro niya ang isang malaking gusali, walang mga dingding at purong rehas na puti. Pinalibutan ang malaking gusali ng puting rehas sa iba't ibang disenyo. Nag-iisa lamang ito at ito rin ang pinakamalaki.
Binalingan ko ng tingin si Lucas bago ako umikot nang dahan-dahan. Inikot ko ng tingin ang buong paligid! Marami akong bundok na nakita sa bandang likuran, ang buong lugar ay pinalibutan ng makakapal na rehas at tanging entrance lamang ang walang rehas bukod sa bakal na gate. Sa kanang bahagi ay may mga kamalig at sa kaliwa naman ay parking space. May iilang sasakyan akong nakita r'on bukod ang kay Lucas, may big bike pa nga akong nakita. Astig sigurong magmaneho n'on paakyat dito.
Ang harap naman, bukod sa malalaking rehas na nakapalibot ay mayroong din mataas at malaking gusali. May itim na atip at puting magkakaibang disensyo ng rehas, may hagdanan din paakyat.
"Let's go," aniya, nagpatianod ako sa hila niya.
Ang perpekto ng lugar na ito, ang perpekto ng pagkakataon habang magkahawak kamay kaming tinatahak ang pagitan ng parking lot at ng gusali sa harap sa ilalim ng matirik na haring araw. Sobrang init pero presko ang simoy ng hangin dahil na rin sa nakapalibot na kagubatan, at ang lugar ay puno ng matatayog na puno. May dagat din sa malayong bahagi.
BINABASA MO ANG
Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)
RomanceSimple lang ang gustong makuha ni Guinevere, iyon ay ang atensyon at pagmamahal ng kanyang mga magulang. Simula't sapul wala na itong nakukuhang sapat na atensyon, laging kulang at laging taumbayan ang pinaglilingkuran. Nagsimula siyang maghiganti...