Tatlong school bus ang nakaabang sa harapan ng eskwelahan, ang mga mag-aaral sa unang baitang ay abala gayundin ang mga teachers at school scholars na tinatawag nilang student grants.
" Chloe, your snacks are here, here's an extra T-shirt and face towel." Tinuro ko kung saang parte ng bag ko nilagay ang mga gamit.
Ang bag niya ay hindi gaano kalakihan pero medyo mabigat dahil sa pagkain niya, may tumblr pa ng tubig na kay bigat-bigat.
"Rein, okay na ba mga gamit mo?" tanong ko. Siya lang mag-isa at wala si Mae. Kung hindi pa hinatid ni Mae sa bahay ay hindi ito makakasama.
"Yes po, they're all okay. Thanks for the snacks po." Sagot nito. Mas matangkad siya kay Chloe at mas matanda rin kaya may isip na siya kung sakaling ibibilin ko sakanya si Chloe.
"O sige na, tawag na kayo ni teacher." Bumaba si Chloe mula sa pagkakaupo, si Rein naman ay tumuwid sa pagkakatayo at ang ilang mga bata ay nagpaalam na sa kanilang guardians.
" Bye, mommy, see you later" bahagya akong tumungo para maabot niya ako para sa isang halik sa pisngi.
" Chloe, don't remove this, okay? and you can also click this if you can't find your teacher. Your phone is in this pocket." Hinawakan ko ang airtag na nasa bulsa ng PE pants niya bago ko tinuro kung saan ko nilagay ang cellphone niya.
Ipad lang ang meron si Chloe pero dahil malalayo siya sa akin nang ilang oras ay pinabaunan ko siya ng cellphone para sa emergency. Naunang naglakad si Chloe palapit sa kumpulan ng mga bata, nagpaalam si Rein sa akin pero bago ko siya pinakawalan ay ibinilin ko sakanya si Chloe.
" Rein, tawagan mo ako kaagad kapag hindi mo nakita si Chloe." Seryoso ko siyang kinausap, tumango naman siya na para bang naiintindihan niya ang sinasabi ko.
Kagabi ay sinave ko ang cellphone number ko sa cellphone ni Rein, kagabi pa lang ay kinausap ko na siya patungkol sa mangyayari ngayon. Tuluyan ko nang pinakawalan si Rein para lumapit sa mga guro at kaklase.
Nasa apat na malalaking bilog ang mga bata, inumpisahan ang field trip nila sa isang dasal. Matapos ang dasal ay binilang isa-isa ang mga ito habang inaalalayang makasakay ng bus. Lumingon sa gawi ko si Chloe, kumaway siya bago pumasok sa loob ng bus. Umalis lamang ako nang nakapasok na lahat ng estudyante sa bus. Alam kong mahigpit ang sekyuridad at may mga assistant na magmamatiyag sa mga bata, pero iyon sapat para sa akin, kahit ibinilin ko si Chloe kay Rein ay hindi pa rin iyon sapat.
sinimulan ko na rin ang pag-andar ng makina ng sasakyan ko nang umandar at tumulak ang isang bus na lulan ng iilang estudyante. Dahan-dahan ang takbo ng bus at nakikita ko ang iilang guro na nakatayo at may hawak na mga libro sa kamay.
Hindi naman kalayuan ang science museum sa paaralan, isang oras na biyahe iyon sa estilo ng pagmamaneho ng drivers kaya sinasabayan ko rin ang takbo ng bus. Hindi naglaon ay narating namin ang dinarayo na science museum ng mga paaralan. Naunang bumaba ang mga guro, isa isa namang pinababa ang mga bata nang nakapila. Wala ng hawak na mga bag ang mga bata, ang mga bag ay dala ng mga working student na nakapila rin upang alalayan ang mga bata.
Nauna ang seksyon nila Chloe na pumasok sa museum, sumunod naman ang ilan pang seksyon hanggang sa mga drivers na lang ang nakikita ko. Medyo napanatag ako dahil maayos naman ang pamamalalad ng school. Ilang sandali ko pang kinumbinsi ang sarili bago tuluyang lumisan.
My baby has to face the real world experience.
Ito ang unang beses niyang makaranas ng school trip, sana mag-enjoy siya at sana marami siyang baong kwento para sa mga lolo't lola niyang excited sa magiging adventure niya.
BINABASA MO ANG
Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)
RomanceSimple lang ang gustong makuha ni Guinevere, iyon ay ang atensyon at pagmamahal ng kanyang mga magulang. Simula't sapul wala na itong nakukuhang sapat na atensyon, laging kulang at laging taumbayan ang pinaglilingkuran. Nagsimula siyang maghiganti...