Kabanata 21

73 3 0
                                    

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang unti-unti nang tumatahimik ang buong paligid. Nagsimula na ang palabas sa big screen ng sinehan pero heto ako, hindi makapag-concentrate at nababahala sa pananahimik ni Lucas.














Nasa kanang bahagi ako, ang katabi ko ay isang bakanteng upuan samantalang ang mga kaibigan niyang sina Paco, Klariyah, Dalton at Donna ay nakahilera sa kaliwang bahagi niya.












"L-Lucas," tawag ko sakanya pero nilamon iyon nang napakalakas na introductory sound ng palabas. Huminga ako nang malalim at sinulyapan siya.
















Hindi ko yata siya makausap nang maayos dahil nakatutok ang mga mata niya sa malaking screen. Tahimik ang mga manonood dahil sa pinanonood habang ako ay may sariling mundo. Excited pa man din ako kanina. Gusto ko sana humingi ng dipensa dahil nasaktan ko yata siya sa sinabi ko kanina. Totoo naman kasi, hindi niya naman ako girlfriend pero pinakilala niya akong girlfriend. Hindi ko naman alam kung ano bang meron kami, basta ang alam ko gusto niya ako at gusto ko rin siya.














Nilabas ko ang cellphone ko. Tinuon ko ang ilang segundo sa pag-i-iscroll sa social media accounts ko at kahit anong gawin kong panlilibang sa sarili ay wala pa ring saysay dahil mas nababahala ako sa pananahimik ng nasa tabi ko. 







"Stop using your phone, let's watch the movie instead." He caught my attention by claiming my right hand.






Saka ko lang napagtanto na sobrang lamig ng kamay ko dahil sa paghawak niya. Hindi man gaano nakikita ang buong mukha niya dahil sa kadiliman ay may kinang pa rin ang tingin niya sa akin. 





"Are you mad?" mahina ang boses ko nang tinanong ko siya. Kumurba naman ang gilid ng labi niya sa tanong kong iyon.







" Don't think about it, I'm at fault." He answered with a smile on his lips. 




Tumango ako at nagpasya na ring panoorin ang palabas sa harapan. Tahimik akong nanonood pero hindi ko kayang ibigay ang buong atensyon sa palabas dahil sa malambot at mainit niyang kamay sa akin. Pinagsalikop niya ang mga daliri namin at pinaglalaruan na rin iyon. 






Sinubukan kong hilain ang sariling kamay pero mas lalo lang humigpit ang hawak niya kaya sumuko na rin ako at hinayaan siyang paglaruan ang mga daliri ko. Sumandal ako sa upuan at matamang pinanood ang paglalaro niya sa mga daliri ko. Binitawan niya ang kamay ko nang nasa kalagitaan ng panonood namin. Pakiramdam ko namamanhid ang mga daliri ko dahil sa tagal ng pagkahawak niya r'on kaya naman marahan kong hinila pabalik ang kaliwang kamay ko at itinaas.











"My hand feels numb," mahina kong sinabi.







Sigurado akong hindi niya iyon maririnig dahil maingay ang loob ng sinehan.








"Grabe ang lamig, ang sarap ng may kayakap!" nabosesan ko ang isa sa mva kaibigan niyang lalaki.









"Tumigil ka nga, pati ba naman dito, nanlalandi ka?" dalawa lang ang kaibigan niyang babae, isang tahimik lang at ang isa ay maingay. Sa palagay ko si Donnalyn ang nagsabi nito.










"Ssshhhhhh," sita ng mga nasa likuran namin kaya natahimik ang dalawang nagbabangayan









Natapos ang palabas nang mapayapa, hindi na muling humawak sa kamay ko si Lucas at hindi na rin nag-ingay ang dalawang aso't pusa niyang kaibigan.












Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon