Kabanata 2

256 6 0
                                    


Maaga ang pasok ni Chloe kaya maaga rin akong nagigising tuwing week days, pahinga ko ang weekends at ganoon din si Chloe. Iyon ang oras niya para makipaglaro at makausap ang lolo't lola niya.


"My.. I want to sleep more." Nakapikit pa siya nang sabihin iyon. Hinaplos ko ang kanyang pisngi para tulungan siya magising.


"Male-late ka baby." Tumango-tango ang anak ko kahit nakapikit pa.

Binuhat ko na para tuluyan na siyang magising, pagkapasok ko sa banyo at pagkalapag ko sakanya ay halos matumba na dahil hindi pa talaga handa ang kanyang katawan.


"Chloe, your daddy will be here soon. We need to hurry." Sabi ko, saka lamang siya tumayo nang tuwid at papikit-pikit pang naghubad ng pang-itaas. Ngumuso ako habang tinutulungan siyang gawin iyon.



Hindi ko binuksan ang shower baka mabigla siya, dahan-dahan kong binuhusan ng tubig ang kanyang maliliit na paa, sunod ang kanyang binti at nang tuluyan na nga siyang nagising ay saka ko siya binasa sa balikat.





Tuluyan nang nagising si Chloe, siya na mismo ang nagpaligo sa sarili at inayos ko naman ang susuotin niyang uniporme. Huwebes ngayon kaya PE uniform ang susuotin niya dahil buong araw na PE ang klase nila. May pina-practice rin silang sayaw para sa nutrition month.





I checked her bag after arranging her PE dress, pinalitan ko nang mas maliit na bag ang kanyang backpack dahil hindi naman gaano karaming gamit ang kailangan niyang dalhin ngayon, isang libro at isang notebook. Ang art materials na binili ko noong nakaraan ay nasa eskwelahan, mga lapis at colored pencil lang ang laman ng bag niya.




"Mommy, done." Sigaw niya mula sa loob ng banyo, mabilis naman akong lumapit at kinuha ang nakasabit niyang roba. Hindi niya abot kaya sumigaw na.


Nakabalot ng tuwalya ang kanyang buhok, una ko siyang binihisan. Nilagyan ng pulbo at bimpo ang kanyang likod. Pinasuot ng medyas at huli ang kanyang kulay rosas na sapatos. Pinaupo ko siya bago tinanggal ang tuwalya na nakapulupot sa kanyang buhok, basa pa iyon kaya sinuklay ko na lang at binahagi sa dalawa bago tinali pataas. Nilagyan ko ng bulaklak na ipit at shempre kulay pink iyon. Pagkatapos kong ayusin ang buhok niya ay nilagyan ko ng pulbos ang mukha at pinaliguan ng kaunting baby cologne.



"Wait mo si mommy sa baba, mag-aayos lang ako saglit." Tumango siya sa akin bago kumaripas ng takbo, alam kong kakain iyon pagbaba niya dahil nakaabang na ang lola niya sa kanya. Nakalimutan niya pa ang kanyang bag.




Nakasuot ako ng puting puff dress, pinares ko sa itim na sandal. Ang buhok ko ay nakalugay lang, nag-ayos na ako kanina bago pa man gisingin ang aking anak. Dinampot ko ang bag ni Chloe nang maisabit sa aking balikat ang bag, saka ako lumabas at bumaba. Boses ni Chloe ang namayagpag, walang tigil ang bibig kay may lamang pagkain. Hindi ko alam kung nagtagal ba ako sa pag-aayos ng sarili dahil noong makita ko ang ayos ni Chloe ay medyo tabingi na ang ipit nito, hindi na rin pantay ang bimpo sa kanyang likod.




Ang likot mo naman, anak!



Dinungaw ko ang orasan, alas siete y media na. Dinaluhan ko ang anak at tinulungang uminom ng tubig. Nasa tabi nito ang kanyang lunch box na hinanda ko kanina.



"Babye, lola't lola." Paalam ni Chloe sakanila habang inaayos ko muli ang kanyang itsura. Hinalikan siya ng mga ito bago kami tumulak.


"Mag-ingat kayo, Gwen." Si papa.


"Opo." Sagot ko bago sinundan si Chloe na maligayang nagtatakbo palabas, sinalubong siya ng yakap ni Lawrence.

Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon