Hindi ko alam kung natulog ba si Lucas dahil ang huli kong naalala ay ang pagpalit niya ng kobre kama. Kaagad akong nakatulog pagkahiga sa kama, naramdaman ko namang tumabi siya kaya mas lalong humimbing ang tulog ko. Sumikat na ang haring araw nang gisingin niya ako. Napapapikit pa ako dahil sa ayaw pang gumising ng diwa ko, naramdaman ko ang halik ni Lucas sa noo ko kaya naging hudyat iyon para bumalik sa akin ang alaala ng ginawa namin kagabi.
"Rise and shine, beautiful." Malambing na bati nito. Nakaupo ako sa kama pero siya ay nakatayo, kinusot ko ang mata ko bago siya tiningala. Ganon pa rin ang paninitig niya, isa pa rin akong treasure sa paningin niya.
Yumakap ako sa baywang niya at sininghot ang bagong ligo niyang katawan.
"Ang ganda ng morning ko, ganito ba naman ka-gwapo at kabango ng boyfriend ko!" hiyaw ko. Narinig ko ang ngisi niya, hinayaan niya naman ako yumakap at makaraan ang ilang segundo ay inalalayan niya rin akong tumayo.
Nakita ko ang pagdamot niya ng toiletries pouch ko, kahit talaga hindi ko sabihin ay kusa niyang ginagawa.
"Magandang umaga po, lola!" bati ko.
Tinapunan niya ako ng tingin bago iminuwestra ang almusal sa lamesa.
"Kamusta ang tulog mo? Hindi yata nakatulog nang mabuti si Lucas, nadatnan kong nakahiga rito sa sofa" sunod-sunod na salita ng matanda habang inihahanda ang pagkain. Tulog pa yata ang mga bata kaya kaming tatlo pa lang ang nasa sala.
Sinulyapan ko si Lucas. Totoo bang natulog siya sa sofa? Katabi ko siya kagabi ah at hindi iyon guni-guni!
"Maayos po ang tulog ko, Lola. Masarap sa pakiramdam lalo pa't maulan." Sinagot niya ang matanda bago niya ako inilalayan papuntang banyo. Paghakbang ko ng paa galing sa kwarto ay napangiwi ako.
Nakalimutan kong gumawa pala kami ng kababalaghan at ang pag-angat ko ng paa ay nasa hindi magandang disposisyon kaya naramdaman ko ang hapdi ng akin. Kaagad akong dinaluhan ni Lucas, humawak ako sa braso niya at iminuwestra ang hita kong masakit kung ihakbang.
"Oh paano iyan? Ayos ka lang ba, Gwen?" dumalo na rin si Lola nang hindi malaman ni Lucas kung paano ako tutulungan.
Hindi ko maihakbang ang mga paa ko, nakaramdam din ako ng pamamanhid at ang kirot sa aking pagkababae ay talaga namang hindi ko sinasadya.
"Lola, hindi po yata sanay si Gwen matulog sa maliit na kutson! Bubuhatin ko po siya papuntang banyo." Palusot ni Lucas na kaagad namang pinaniwalaan ng matanda. Wala na akong nagawa nang binuhat ako ni Lucas.
"Ibaba mo na ako," sabi ko nang nasa loob na kami ng banyo. Binaba niya naman ako at kahit papaano ay bumuti ang pakiramdam ko, nawala na ang pamamanhid ng hita ko pero ang kirot ng akin ay nanatili.
" I know you're sore, I am sorry. Hindi ko na pigilan ang sarili" dumampi ang labi niya sa noo ko. Yumakap ako sakanya para hindi niya isipin na nagsisisi ako dahil sa ginawa namin.
Hindi ko alam kung kailan ang huli niyang makipagtalik pero para bang sabik na sabik siya. Iba't ibang posisyon ang ginawa namin kagabi, hindi lang sa kama, hindi lang nakaupo at maging patayo ay ginawa rin namin. I can't blame him, kahit naman ako nag-eenjoy at nasarapan.
" Let me see it, I just want to make sure that it's fine." Hindi kaagad ako nakaprotesta. Nakaluhod na siya nang nakabawi ako sa gulat.
Nag-iwas ako ng tingin nang naramdaman ko ang pagbaba niya ng pajama na suot ko.
"Please spread your legs, I can't see it properly." Seryoso niyang sinabi. Bumuntong hininga ako, humawak ako sa balikat niya bilang suporta bago ko ipinatong sa toilet ang kanang paa ko. Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng daliri niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)
RomanceSimple lang ang gustong makuha ni Guinevere, iyon ay ang atensyon at pagmamahal ng kanyang mga magulang. Simula't sapul wala na itong nakukuhang sapat na atensyon, laging kulang at laging taumbayan ang pinaglilingkuran. Nagsimula siyang maghiganti...