Kabanata 20

101 3 0
                                    

Natapos ang basketball tryouts nang sa tingin ko ay alas singko. Tumayo ako at gumilid muna, naging magulo ang buong court dahil sa mga batian at katiyawan ng lahat. Pagkatapos ng pictorial ng dalawang team ay nagsilabasan na rin ang mga manlalaro. Unti-unting lumiit ang mga boses nila kaya inayos ko na ang sarili at handa nang sumabak sa magulong court.










Bakit?! Bakit kailangan ko itong gawin???? Ni hindi pa bumabalik si Ma'am Castro, baka akala niya kaya kong mag-isa ang buong gymnasium? Anong gagawin ko? Magma-mop?!










Kunot ang noo ko nang makita ang mga botelya ng energy drink na nagkalat sa sahig, ang mga upuan ay hindi man lang inayos bago umalis! Naghanap ako ng trash bin, wala man lang ni isang trash bin akong nakita. Hindi ko alam, ang unang punta ko rito ay n'ong acquaintance night at ngayon ay maglilinis ako kahit hindi naman ako naglaro?!











"Pa-basket-basketball pa, hindi naman marunong magligpit! Wala ba kayong mga mata??" sa asar ko ay hindi ko napigilang magsalita. Useless lahat ng ito at walang saysay pero kailangan kong ilabas ang galit ko.










Lumingon ako sa pintuan, wala namang papasok kaya sabay-sabay kong hinagas sa court ang hawak kong mga botelya!









"Letche!" binato ko na rin ang bawat nadadampot ko.









"Anong ginagawa mo?" napabalikwas ako dahil d'on, hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses. Hindi sa pintuan, hindi sa bleachers kung hindi nanggaling sa bathroom.









Si Lucas at mga kasama na may kapareho niyang suot na Jersey shorts ang naror'on. Binilang ko, lima silang nand'on at nakatingin sa akin na para bang hindi nila naiintindihan kung bakit ako nakaluhod at maraming basura sa paligid ko. Iniwas ko ang tingin sakanila, inayos ko ang nagulo kong palda bago tamad na naglakad palapit sa mga basurang hinagis ko.









Pagkatapos akong iwasan nang dalawang araw ay kakausapin ako nang kaswal lang? Ano iyon? Timang? Kung girlfriend niya ako baka hindi ko matagalan! Ang toxic niya! Hindi mabuting boyfriend dahil pabaya siya! Naririnig ko ang mga yapak nila, sana umalis na sila kaagad dahil baka sakanila ko ihahagis ang lahat ng ito. Kung hindi lang ako nagtitimpi baka kausap ko na ngayon ang disciplinary director dahil sa panghahagis ng basura!









Dinampot ko ang pula botelya ng energy drink, may laman pa ang isang ito. Umamba akong tumayo nang tuwid nang may naramdaman ako sa likod ko, bahagya pang nakahawak sa palda ko.









"Sinasadya mo bang masilipan?" Alam ko na kaagad kung sino ang nagsalita.








Akala ko umalis sila, tumulong pala sila sa pamumulot at pag-aayos ng silya. Maingay ang mga ka-teammates niya habang siya ito, nagpapa-cute sa harapan ko.








Hinarap ko siya at inihampas sa dibdib niya ang boteng hawak. Galit ko siyang tiningala, galit niya rin akong dinungaw. Anong problema mo sa akin?! Gusto kong sabihins iyan pero huwag na lang, aksaya ako sa oras at baka iiyak ko lang ang lahat. Inulit ko ang paghampas, paulit-ulit iyon at hindi man lang siya natinag. Ayaw niya akong makitang umiiyak, ayaw niya kaya hindi ako bibigay. Hinuli niya ang kamay kong humahampas sa dibdib niya, nanghina kaagad ako at halos mapaatras dahil d'on. Bakit may kakayahan siyang baguhin ang takbo ng sistema ko?! Bakit parang sumusunod ang katawan ko sakanya, nakakatakot.. nakakatakot dahil parang napawi ang lahat ng itinanim kong galit sa loob ng dalawang araw.









Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon