Kabanata 42

101 4 0
                                    

Nais ko ring mangyari ang winika ni Lucas, na kung may kakayahan siyang patigilan ang oras o ng mundo ay matagal niya nang ginawa. Kung bibigyan ako ng pagkakataon, ng kapangyarihan na baguhin ang lahat o pahintuin ang oras ay gagawin ko.






Nakaabang sa labas ng gate si Justin, siya na ang nagbukas ng gate para maipasok at mai-park ko ang sasakyan. Maayos kong pinark sa nakahilerang sasakyan ang sariling sasakyan samantalang si Justin ay mariin na nakatitig sa isa pang sasakyan na nasa tabi ng poste. Nauna nang bumaba si Lucas sa kotse niya, nang makita iyon ni Justin ay kaagad itong pumasok sa gate at lumapit sa akin. Mabilis na dumapo ang kamay niya sa kanang balikat ko at marahas akong hinila palapit sakanya. 






Laking pasasalamat ko na hindi ko kasama si Chloe dahil kapag nagkataon sa akin siya sumama ay makikita niya ang galit ng tiyuhin. Kunot noo kong tinitigan si Justin, hindi ko siya lubusang mapagtuunan ng pansin dahil naririnig ko na ang boses ni Chloe sa paligid. Tinatawag niya ang lolo't lola niya habang hila-hila ang kaliwang kamay ni Lucas. 






"Are you out of your mind?" mariin na tanong ni Justin sa akin. Pinutol niya ang mariin na tingin sa akin nang hinila siya ni Chloe sa laylayan ng polo na suot. 




"Tito, look, I've met my real daddy. He's with me" masayang winika ni Chloe habang tiningala ang tiyuhin gamit ang mapupungay na mga mata. 




"Woaah, really? I'm glad to hear that!" sagot nito sa pamangkin kahit na ang totoo ay ikinasusuklaman niya ito. 




Walang nagawa si Justin kung hindi humarap sa lalaking doktor. Matikas na tumayo si Lucas para salubingin ang kapatid kong may puot sakanya. Naglahad ng palad si Lucas, hindi naman nagprotesta si Justin at tinanggap iyon. Hindi  nakaligtas sa akin ang mariin nitong tingin kay Lucas, si Lucas naman ay umiigting na rin ang panga dahil sa mahigpit na hawak ng kapatid ko sa kanyang kamay. Ang tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa ay umaapaw, hindi man nakikita pero nararamdaman. 





Naunang bumitaw si Justin, humarap kay Chloe bago nilipat sa akin ang mga mata. 





"I texted Lawrence, he'll be here in a minute." He mouthed before facing his niece, who's now standing close to Lucas.



" Your daddy Lawrence will be here, do you miss him" he asked her. Chloe nodded her head before laying an eye on Lucas.



Bumitaw si Chloe kay Lucas at tumakbo sa hamba ng pintuan kung saan ang mga magulang ko. Yumakap siya rito at masaya na ibinalita ang pakikipagkita niya kay Lucas. Hindi na nagulat ang mga magulang ko dahil nasabi ko naman ang plano kong ito, maging si Justin ay may alam din at kahit ayaw niya ay ginawa ko pa rin. 




" Ate, hindi pa tayo tapos." Galit ang nanalaytay sa boses ni Justin nang sabihin niya iyon bago ito naglaho sa harapan namin. 




Tahimik ako habang pinapakilala ni Chloe ang daddy niya sa kanyang lolo't lola. Propesyunal na humarap ang papa't mama ko sa doktor, gayundin si Lucas sakanila. Inaya nila si Lucas sa loob ng bahay at habang nakikita ko silang nagpapalagayan ng loob ay para naman akong hinati sa maliliit na piraso. Napakasakit makita ang lahat, sa palagay ko kapag nagtuloy-tuloy ito ay ito rin ang magiging dahilan ng paglisan ko sa mundo. Magkakasakit ako sa puso sa sobrang kirot at hapdi nito. 








Sumandal ako sa sasakyan dahil nanganagtog ang mga binti ko pinaghalo-halong emosyon. Ilang sandali akong nanatiling gan'on hanggang sa napukaw ang atensyon ko ng isang ilaw mula sa sasakyan at ang pagbusina nito. Umayos ako nang natayo nang makilala ang sasakyan ni Lawrence. Kaagad akong naglakad palapit sa gate, nakababa na siya sa kanyang sasakyan at pinasadanan ng tingin ang sasakyan na nakaparada sa harapan ng kanya. 





Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon