Kabanata 25

98 3 0
                                    

Spg!





------------------------------------------------------


Paiba-iba ako ng pwesto ng higa sa kama. Gusto ko sanang lumabas para gumamit ng banyo, hindi pa ako nakakapag-night routine. Pinapakinggan ko ang ingay sa labas ng kwarto. Naglaro na rin ako sa cellphone ko para malibang dahil habang lumalalim ang gabi ay mas lumalakas ang ulan na may kasamang kulog at kidlat.








Siguro tulog na sila ng ganitong oras. Alas nuwebe na rin ng gabi kaya bumangon na ako. Hinalughog ko ang gamit sa handbag, dinampot ko ang pouch na naglalaman ng toiletries bago ako lumabas ng kwarto. Maingay ang patak ng ulan kaya hindi rin napansin ang pagbukas ko ng pinto. Madilim na sa sala nang lumabas ako kaya napanatag ang puso ko. Mabilis kong tinungo ang banyo, pumasok ako roon pero kaagad ding lumabas.






Hindi ba uso mag-lock ng pinto?!








Hinila niya naman ako pabalik kaya para walang ingay na malikha ay pumikit ako at mariin na nagtiim bagang.








"Tapos na ako, lalabas na ako." Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng banyo.








Hindi pa rin mabura sa isipan ko ang nakita. Ano iyon?! Anong ginagawa niya?! Totoo ba ang nakita ko?! Ginawa niya iyon?!








Para akong tanga na nakangiti at maya't maya ang sermon sa sarili. Matapos kong gawin ang night routine ko ay lumabas na rin ako ng kwarto. Nasulyapan ko siya sa labas ng bahay. Nagpasya akong lapitan siya, hindi ako makikipag-away, ilalabas ko lang ang galit ko sa inasal niya kanina.









"I forgot to buy cigarettes, wala tuloy akong mapagbuntungan ng galit ko." Untag ko. Tinapunan niya ako ng tingin pero hindi ko siya tinitigan pabalik.







Nagpasya akong iwanan siya dahil pakiramdam ko hinuhukay niya ang kaluluwa ko sa paraan ng paninitig niya sa akin. Gusto ko sana siyang tanungin kung saan siya matutulog, dito ba sa kwarto o sa sofa!









Ilang oras na ako nakahiga sa kama. Ni minsan hindi kumatok sa kwarto si Lucas. Malalim na ang gabi at ay ganon pa rin. Napapikit ako nang biglang kumidlat at kasunod n'on ang pagpatay ng ilaw sa kwarto.










Teka! Parang pamilyar ito?! Sa mga horror movies ko na kikita! Nooooo! Nasa bundok kami, ibig sabihin mas maraming multo?! Of course not! Kathang isip lang ang multo! Oo!









"Gwen? Are you still awake?" hindi ako sumagot at nagpanggap na tulog. Nakita kong umilaw ang silid dahil sa dala niya, marahil isang kandila. Nawalan yata ng kuryente dahil sa malakas na kidlat.







Is he still mad? Why is he calling me Gwen?!






"Good night. I'm sorry for acting so mad. I just hate seeing you hurt." Naramdaman ko ang haplos niya sa ulo ko.






Pumihit siya at pakiramdam ko ay lalabas na siya ng kwarto. Kumulog nang malakas kasabay ng kidlat. Kitang-kita ko iyon sa bintana kahit na nakasarado naman iyon. Humawak ako sa dulpmo ng damit niya, hindi siya tuluyang nakahakbang dahil sa pagpigil ko iyon.








"Stay here..." sabi ko, maliit ang boses ko dahil sa nakatalukbong ako ng kumot.





"No." Isang salita lang iyon pero puno ng pagpipigil.







Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon