My days were plain. I spent most of my time outside. I spent my allowance on drinks and cigarettes. I am a narrow-minded, and self-centered person. I was like that before, but now I am slowly changing. I understand the meaning of life, and that is to truly enjoy without compromising.
Kapag kasama ko siya pakiramdam ko lahat ng emosyong meron ako ay tama. Everything that I do seems okay and valid for him. Ni minsan hindi sumagi sa isipan ko ang magseryoso sa buhay. Wala na akong pakealam sa bawat araw. I was hopeless before he came at ngayon parang kulang na kulang ang isang araw para sa akin, gusto kong pahabain ang oras, patigilin man lang saglit kapag kasama ko siya.
"Have you heard the news from yesterday?" I glanced at Dayanara who's standing on a chair and fixing the party flags.
I am sitting on the floor, surrounded by art materials and excess styrofoam. Our school club is holding an event, we're grouped and assigned different tasks.
" Never heard about it," sagot ko bago binalik sa ginagawang letra sa styrofoam. Gumamit ako ng cutter para lang mahulma ang bawat letra na kakailanganin.
"Really?! Hindi mo alam?" tumalon siya mula sa upuan na kinatatayuan at dinaluhan ako. Gulong-gulo ko siyang tiningnan. Anong merong na dapat kong malaman?
Nagkibit balikat ako bago nagpatuloy sa ginagawa. Tapos ko na ang unang salita, meron pang tatalong salita na gagawan ng bawat letra gamit ang styrofoam.
"Nakapagtataka lang, your boyfriend is the founder of that frat at hindi mo man lang ito alam" nag-angat ako ng tingin. Naka-upo na siya ngayon at tinitingnan ang natapos ko ng mga letra.
Napaisip ako. Walang fraternity si Lucas at ang tinutukoy niya na founder ng isang frat ay wala na akong maisip kung hindi si Jack.
"Jack isn't my boyfriend, he's just a friend." I answered. Tinigil ko ang ginagawa at nag-unat ng mga braso.
Sa tantiya ko ay wala pang isang oras kaming gumagawa nito pero nangangalay na ang mga braso ko. Sampu kaming nasa loob ng silid, ang ilan ay nakatuka sa lobo at pagdisensyo ng silid na gagamitin para bukas.
"Yeah, I heard his name from kuya." Dayanara replied. Tumayo ako nang tumayo siya.
Somehow I felt interested in what she was talking about. I've never had communication with Jack aside from text messages that I seldom replied to.
"Pres, can we have a break? Five minutes!" our club president is the opposite type of our class president. She's silent and an authoritative person.
Tinanguan niya lang ang sinabi ko at ibinilin din na bumalik kami kaagad. Sabado ngayon araw at kahit walang pasok ang mga senior high ay marami pa ring estudyante lalo na't may mga college students at may pasok ang graduate school.
"What is it? Sabihin mo na" tanong ko paglabas namin ng silid. Nilakad namin ang kahabaan ng hallway.
May mga pasok sa kabilang classroom kaya maingat kaming naglalakad sa kahabaan ng education building.
"There's this student who rushed to the hospital," she started. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"And? Paano mo nalaman 'to? Ibinalita ba?" tanong ko. Lahat naman ng balita patungkol sa school ay naka-broadcast sa social media ng school kaya kung meron man ay dapat alam ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/182464658-288-k59827.jpg)
BINABASA MO ANG
Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)
RomanceSimple lang ang gustong makuha ni Guinevere, iyon ay ang atensyon at pagmamahal ng kanyang mga magulang. Simula't sapul wala na itong nakukuhang sapat na atensyon, laging kulang at laging taumbayan ang pinaglilingkuran. Nagsimula siyang maghiganti...